01

962 53 1
                                    


You


NAPAPATINGIN ako sa bagong release na mga books. I'm into fantasy kaya parang nagningning ang mga mata ko nang mahanap ang paborito kong story na nabasa ko sa wattpad. I picked two copies of it dahil ibibigay ko ang isa kay Abby.



I looked at my watch and it's already five thirty in the afternoon. Hindi pa ako nag-lunch kaya nakaramdam na agad ako ng gutom. Gusto ko sanang kumain sa fast food dito sa loob ng mall pero papunta na rin naman dito si Abby.



Inubos ko ang oras sa paglilibot dito sa mall. I bought so many books. Well, reading is my only hobby when I have free time and when I'm bored. I checked my phone nang tumunog ito. Abby texted me na sabay na lang kaming mag-dinner at papunta na siya dito.



"Tanya!" malakas na sigaw ni Abby at sinalubong ako sa escalator.



"Nakaka-stress talaga!" agad na reklamo niya.



"Ano na namang problema mo?"



"Kasi cancel yung mass gathering na pinaglaanan ko ng oras. Nakakagigil!" she whined.



I shrugged my shoulders at tinapik ang kanyang balikat. "By the way, I bought a book for you pero mamaya ko lang ibibigay pagdating natin sa condo ko."



"Pumunta ako dito para dumiretso na tayo pero babalik ka pa pala sa condo mo? Nakakagigil ka rin noh?" she complained while shaking her head.



"Anong gusto mong gawin ko? Bitbitin ko ang mga 'to all the time?"



"Duh, whatever."



Nasa loob na kami ng kanyang sasakyan. Mabuti pa siya ay dati pang nakabili ng sasakyan. Well, her parents keep sending money to her kaya malaki ang naipon niya. Habang ako ay nag-iipon pa rin.



Yung pera na palaging natatanggap ko kay Papa ay never ko talagang ginalaw kaya napapansin ko rin na malaki-laki na rin 'yon at pwede ko yung gamitin kung ano ang gusto kong bilhin pero wala talaga akong balak na gamitin ang perang bigay niya. Kapag kasing ginamit ko 'yon, para na ring tinanggap ko na si Papa at napatawad ko na. Pero baka anytime ay bigla ko na 'yon magamit.



Pagkatapos kong ilagay sa loob ng unit ang mga pinamili ko ay diretso akong bumaba at pumasok pabalik sa sasakyan niya.



We ended up going to a resto near the bar that Abby wanted to drag me to. Alam ko namang gusto niya lang na doon kami mag-dinner para pagkatapos ay sa malapit na bar ang sunod na punta namin.



This girl is really a party girl kahit may fiancé na. And guess what? Hindi si Jemi ang naging fiancé niya kundi ang kapatid ng lalaking 'yon. Jemi cheated on her at hindi ko na alam kung paano sila naging close sa kapatid ni Jemi, hanggang nagkatuluyan at nauwi pa sa pagiging engaged sa Jerbi na 'yon.



Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa mga kinukwento ni Abby. Napaangat ako ng tingin nang mabitawan niya ang tinidor. Napakunot ako ng noo nang mapatakip siya sa kanyang bibig na parang gulat na gulat.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon