31

308 18 4
                                        


Suicide

NAIIYAK kong pinagmamasdan ang miserableng mukha ni Abby. Kahapon ng umaga ay nadulas siya at dinugo kaya agad namin siyang dinala sa ospital.



"Sana hindi na lang ako nagpabuntis ulit..."


Napaiwas ako ng tingin para pigilang maiyak. Nalaglag ang bata na nasa sinapupunan niya dahil sobrang hina na ang kapit ng bata.


"Abby, don't blame yourself..."



Pagak siyang tumawa.



"Talaga? Masyado ka naman kasing excited. Tingnan mo tuloy ang nangyari!"


"Abby..."



"Sabi mo, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko? Kaya ikaw ang sinisisi ko ngayon!"


"Abby, stop shouting at her," singit ni Jerbi.


"Isa ka pa! Parang okay lang sa'yo ang nangyari!"



"I'm not literally okay. I'm fucking devastated. But at least, I'm trying to be okay for you..." wika ni Jerbi sa pumipiyok na boses.



Kinabukasan ay na-i-discharge na si Abby. Sa condo pa rin nila ako nakituloy. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Atriju. Kahit si papa ay hindi ko magawang tawagan.



"Bakit hindi ka pa umuuwi? H'wag mo namang paasahin si Atriju. He's very patient towards you, but you... you keep running away from him because of that stupid perception of yours!"


"Sumusobra ka na, Abs..." mahinang usal ko.


"Kaya umalis ka na!" she glared at me and then faced Jerbi. "Pati ikaw rin, umalis ka muna dito."



Nakayukong napakagat sa labi si Jerbi.


Napanganga na lamang kami ni Jerbi nang malakas kaming sinarhan ng pintuan ni Abby at hindi pinapasok sa kwarto.


"That's normal, Jerbi. Maybe, it's just her way of coping up. Uhmm by the way, alam na ba ng parents niyo ang nangyari sa kanya?"


He shook his head.



"Hindi rin nila alam na buntis ulit si Abby. Gusto sana namin silang surpresahin pero..." malungkot siyang napayuko. "Magluluto muna ako ng makakain natin."



Tumango lamang ako at naupo sa couch. Nag-facebook na lang muna ako at hindi na nag-abalang pindutin ang messages at notifications. I tapped my profile and check the comments of the status I've posted days ago.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon