HumiliationTATLONG linggo na nang nasa nasabing probinsya si Atriju. Ako naman ay naghahanda para sa pagkikita namin ni Lola Ilustre. Siya yung matanda na mahilig sa abstract photography.
"Dalawa na lang pala hija?" tanong nito habang hawak ang 'di kalakihang frame.
"Oo La e, medyo na-busy kasi sa ibang trabaho."
"Oh siya, ito na ang bayad."
Nakangiti akong umiling.
"Libre ko na po 'yan, La."
Nagulat naman ito at agad na umiling.
"Hindi na hija, magbabayad ako."
I smiled sweetly and shook my head.
"H'wag na talaga, La. Regalo ko na po 'yan sa'yo."
Nang makabalik sa condo ay pasalampak akong nahiga sa kama. It's been five days already at may tatlong araw pa bago makabalik dito sa Manila si Atriju. Paniguradong busy siya do'n sa probinsyang parte ng pelikulang pinagkakaabalahan niya. Hindi rin ako nakatanggap ng kahit isang text galing sa kanya.
Tinawagan ko si Ced na agad rin namang sumagot.
"Magkasama ba kayo ngayon ni Varron?" agad kong tanong.
"Hindi e. Nasa condo siya at nasa bahay ako ngayon."
Napakunot ako ng noo nang may marinig na pamilyar na boses. Napatango-tango ako nang makilala ang boses ng babae. Si Cednah, yung kapatid niya ang paniguradong nagsasalita.
"Hi te!" matinis na boses na wika nito.
"Musta Cednah?"
"Okay lang. Nagkabalikan na ba kayo ni Kuya?" pang-uusisa nito kaya napatampal ako sa noo.
Biglang namilog ang mga mata ko. Kung alam lang ng Cednah'ng 'to kung sino ang naging jowa ng kuya niya. Nangangati tuloy ang dila dahil ang sarap pa namang asarin si Ced.
Narinig ko ang inis na pagdaing ni Ced at agad na binaba ang tawag. Kung tutuusin wala namang problema kay Ced sa pagkatao niya dahil may side rin naman siyang lalaki kasi he can still do both!
Pero si Varron kasi ay bakla kaya isang malaking kahihiyan sa parte niya kung malaman ito ng karamihan lalo na sa panahon ngayon na ang daming judgemental. Pero kung tutuusin, wala naman talagang problema. Ano ngayon kung ganyan talaga sila? Mas mahirap ang hindi magpakatotoo.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...