35

306 18 0
                                    


Still

MAY birthday party mamaya dito sa probinsya. Lola Lustre recommends me to be their photographer. Sa pagkakaalam ko kasi ay anak ng mayor ang may kaarawan ngayon kaya may party talaga ang magaganap at imbitado rin kami.



Sa ilang buwan na pananatili ko dito ay kitang-kita sa pisngi ko na tumatataba ako. Nakakapagtaka lang dahil do'n naman sa Maynila ay malakas akong kumain pero 'di naman ako tumataba. But right now? Hindi naman ako palakain dito kaya hindi ko alam kung bakit ako tumaba.



"Taba mo na," komento ni Jerbi.



Alam kong kanina niya pa ako napapansin na nakahawak sa pisngi ko habang nakatingin sa malaking salamin dito sa salas.



I groaned while frowning.



"At least may curves pa rin noh! Ikaw nga mukha ka ng matanda at idagdag mo pa 'yang mahaba mong balbas."



"Gwapo pa rin naman. Ikaw kaya ang may mahabang balbas, bagay kaya sa'yo?"



"Tss."



"Pero Tanya..."



Tinaasan ko ng kilay si Jerbi dahil sa biglang pagseryoso ng tono nito.



"Ano na naman?"



"Napapansin ko ang pagiging close niyo ni Zadz. Iba na 'yan ha. Saka 'di ko pa malalaman na wala na pala kayo ni Atriju kung hindi sinabi sa akin ni Zadz..."



I flipped my hair and didn't answer him.



Lumabas na ako ng bahay at naghintay kay Zadz. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang pick-up nito.



Ngumuso ako at pinandilatan siya ng mata paglabas niya ng sasakyan.



"What?"



"Wala. And daldal mo kasi," nakapamewang kong tugon at nakangusong naupo sa passenger seat.



"Seryoso ka na niyan?" natatawa niyang tanong.



Aba! May gana pa akong asarin!



Hindi ko siya pinansin at kinalikot na lamang ang camera'ng nakasukbit sa leeg ko.



"Know what? Mas gusto ko yatang nakasimangot ka kasi ang cute mo," he teased.



"Edi wow. Ako na ang cute!"



Ngumisi lamang siya habang nagmamaneho. He tilted his head and smirked at me.



"Cute like a puppy. And fat like a piggy."



Malakas siyang tumawa habang ang isang kamay na lamang ang nakahawak sa steering wheel dahil ang isa ay nasa tiyan niya.



Nag-aasaran kami sa buong biyahe. But we ended up not talking to each other when we nearly hit a tree. Bigla kasing nailiko ni Zadz ang steering wheel sa ibang direksiyon dahilan nang muntik na kaming mabangga sa isang puno. Gladly, mabilis siyang napapreno.



Malaki ang hacienda'ng pinasukan namin. Sa loob pa nga ng hacienda'ng 'to ay may tatlong plantation.



Sa clubhouse ginanap ang party pero marami ang nagkalat sa kung saan-saan habang nagpapakuha ng litrato sa mga kasamahan nila. I glanced at Zadz and called him.



"Picturan mo rin ako, dali. This is my first time entering a hacienda."



He chuckled in a low tone.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon