12

411 36 1
                                    


Sad Ending

GABI na at hindi pa rin ako makatulog. Hinintay ko si Atriju pagkatapos kong makatanggap ng mensahe galing sa kanya. We're gonna have a road trip this night! At kung matutuloy nga, first time ko!



Nakangising binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang kalmado niyang ekspresyon.


"Let's go?" he softly said.


I excitedly nodded and clung my arm to his. Habang nasa elevator ay may naalala ako.



"Atriju may tanong nga pala ako."



"Hmm?"



"Akala ko ba, wala kang kapatid?"


He stopped for a moment. "Did Drea told you that? She told me that she saw you."


"Yup. According to her, kapatid mo daw ang asawa niya?"



"Anak siya ni Papa sa kabit niya," he answered momentarily.


"So, galit ka? Kapatid mo pa rin siya."



"Hindi ako galit. Siya ang galit sa akin," he fired back.



"O-Okay. Sorry." I paused. "Hoy! Galit ka sa akin noh?"


Hindi niya ako pinansin. Pagbukas ng elevator ay dire-diretso siyang lumabas kaya pati ako ay napapasunod dahil nakakapit ang braso ko sa kanya.



Nauna akong pumasok sa kanyang sasakyan at naupo sa likuran.


"Bakit nandiyan ka?" masungit niyang tanong nang makaupo na sa driver seat.


"Galit ka kasi sa akin," I pouted.


"No I'm not. May mga pagkain diyan. Baka gusto mo?"



Agad akong napatingin sa paperbags na nasa tabi ko. Ang isang paperbag naman ay sa Mcdo. Nang silipin ko ang isa ay may nakita akong mga tupperware. Kaya pala sinabihan niya akong hindi muna mag-dinner dahil may dala pala siyang ganito.


"Let me guess, you cooked these right?!"



"Well, yea," he answered and started the engine.



"Sabi ko na nga e! Matitikman ko na naman ang luto ni master Atriju!" I exclaimed.


He chuckled.


Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon