33

283 18 0
                                    


Province

NABIGLA ako nang sinalubong kami ng isang pamilyar na babae na may edad na. My eyes grew wider when I realized who she was.



"Lola Lustre?" gulat kong wika.



Nakangiting pumapalakpak ito.



"We met again hija!"



"Magkakilala kayo, La?" tanong sa amin ni Jerbi.



"Oo hijo. Siya yung sinasabi ko sa'yong naging suki ako sa mga abstract photography niya!" masigla nitong saad.



Sandaling napatigil ito at masinsinang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Jerbi.



"Narinig ko ang nangyari sa fiancée mo apo. Paumanhin kung hindi ako nakapunta sa libing niya. Pero... magkakakilala pala kayo ni Tanya?"



"Kasi po, matalik kong kaibigan si Abby," kinakabahan kong tugon.



Baka kasi iba ang nasa isip nito.



She genuinely smiled and tapped Jerbi's shoulder.



"Mabuti pa na ikaw na ang mag-aasikaso sa mga gamit niyo. At ang kwarto niya ay doon sa malaking guest room. Gusto ko munang makausap itong si Tanya."



Kinabahan naman ako bigla.



"May mga mamahaling camera ako sa guest room hija. Gusto kong makakita na naman ng bagong mga litrato na kuha mo!"



Napangiti rin ako.



"Sige po. Madami naman sigurong magagandang tanawin dito La, noh?"



"Oo naman! Sasamahan kita kapag gusto mong kumuha ng mga larawan."



Natatawa akong napapailing. Ang sigla talagang magsalita ng lola na 'to.



"Oh sige, pumaitaas ka muna at para makapagpahinga na rin."



Tumango ako. Habang naglalakad sa hagdanan ay napapatingin ako sa palibot at sa malaking chandelier. Ang mansyong ito ay makaluma ngunit moderno naman ang mga kagamitan.



"Jerbi," pagtawag ko.



May tatlong pintuan kasi at hindi ko alam kung saan ang pansamantala kong kwarto.



Bumukas ang pintuan na nasa harapan na tinatayuan ko at lumabas do'n si Jerbi.



"Oh, hey. Dito nga pala ang magiging kwarto mo. At naiayos ko na rin ang mga gamit mo," wika nito sa malungkot na boses.



I can't help but to be sad also when I noticed his swollen eyes. Umiiyak na naman siya.



"It's better if you eat first before going to rest," sabi ko sa kanya.



Halata kasing hindi na siya nakakain nang maayos.



He shook his head.



"I'm not hungry. But if you do, you can go downstairs and ask the maids to cook."



Pagkapasok ko sa kwarto ay nawala ang lungkot na nararamdaman ko at napalitan ng pagkamangha.



I roamed my eyes inside the room in awe. The whole wall was painted with butterflies in a garden. Ang galing naman ng nagpinta nito.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon