Prologue

1.8K 62 3
                                    


NAHIHILO na ako habang patuloy na sumasayaw. Kasalukuyan na akong pinapaligiran ng mga kalalakihan at may naririnig pa akong sumisipol.



Napatigil ako nang may biglang humila sa akin ng malakas. What the! Binawi ko ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin.


"Ikaw na naman?!"



I glared at him.



"Ihahatid na kita sa inyo pauwi," he said a deep voice.



Hindi ako natinag sa sinabi niya. Sa halip ay masuring tiningnan ko lamang siya. Hmm, how persistent this guy is. Ilang beses ko na siyang ni-reject pero patuloy pa rin siya sa kanyang pagbabantay sa akin na akala mo naman, boyfriend ko.



"Atriju, will you please stop already?!" nanggigigil kong sigaw.



"No. Let's go. May gagawin ka pa bukas," sabi nito at hinila ako.



I glanced at him. Actually, he's attractive especially since he has that mole on his temple that made him sexy. I don't know, but I just love that mole on him. Pero ewan ko sa kanya kung bakit palagi siyang nakasuot ng makapal na eyeglasses, 'di naman bagay sa kanya.



Pero honestly, hindi ko talaga siya gusto kahit karamihan ay pinupuri siya. Kaya ilang beses ko na rin siyang binasted at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Alam niyang ayaw ko pang pumasok sa isang seryosong relasyon. But he always insists that he really can wait.



Nauna na akong pumasok sa kanyang sasakyan at naupo na sa passenger seat. Nang makapasok siya ay mariing tinapunan niya ako ng tingin. I arched my brow and ignored his stare.



"How's your Dad?" he asked and started the engine.



"I don't know 'cause I don't care," diretso kong sagot.



"You really hate him that much, huh?"



"I don't hate him, I loathe him." I said and crossed my arms on my chest.



Napapailing naman siya at hindi na muling nagtanong pa.



Kinamumuhian ko ang Papa ko. Well, siya lang naman ang dahilan kung bakit namatay si Mama. My mother caught him having a sexy time with his mistress. At 'yon ang dahilan na inatake si Mama sa puso, dahilan ng pagkamatay niya.



Kaya lumayas ako sa amin pagkatapos ng libing ni Mama. I rented a condo by my own money. Hindi ako kailanman nanghingi ng pera kay Papa, though he keep forwarding big amount of money to my bank account. Pero wala akong balak na gamitin ang perang galing sa kanya. Never.



Sa sumunod na araw ay nakipagkita sa akin si Abby. Parehong free kasi kami at next week ay hectic na naman ang schedule namin. Pareho kaming event planner. At ako naman ay minsan pagiging photographer ang pinagkakaabalahan. Siya naman ay minsan busy sa flower shop niya habang sinasabay niya sa pag-e-event planning. And next week, we both have an event planning for a wedding.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon