24

321 27 0
                                    


Ideal Guy

NAKASUOT ako ngayon ng denim catsuit and black wedge boots. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng malakas ni Atriju habang naglalakad kami papuntang parking. I tilted my head and gave him a questionable look. What's with him? Kanina pa siya nakasimangot.



"What's with you Atriju?"



He avoided my gaze.



"You're just too prim and elegant..."



Napakurap ako. Maganda ang mood ko kaya ayos na ayos ako ngayon. Saka nag-effort kaya akong magpaganda ng sobra at natagalan pa ako sa pagpili ng maisusuot.



"Ano ngayon? Bagay naman sa akin ang suot ko ah," pinasadahan ko ang katawan ko.



"'Yon nga e Tanya! Mas lalong nadagdagan ang mga nagkakandarapa sa'yo. Kanina nga sa elevator, malalagkit ang tingin sa'yo ng mga lalaking kasabay natin."



My lips parted on what he said. Hindi ko mapigilan ang matawa.



"Stop being jealous, love. And you're so really adorable," I said and stepped closer on him and pinched his cheeks.



Mas lalo akong natawa nang makita ang pagpula ng dalawa niyang tainga. Umiwas siya ng tingin habang may kumakawalang ngisi sa labi niya. Sus, kinilig naman.



"Riu!"



Pareho kaming napalingon nang may tumawag sa kanya. Napabuga ako ng hangin nang halikan nito sa pisngi si Atriju at yakapin. Magkaibigan lang naman sila pero kung makaasta ay parang na-miss niya ang boyfriend niya.



Umiiling na lumayo si Atriju.



"Shi, don't do that again."



"Do what?" nakataas ang kilay na tanong ni Shielle at binalingan ako.



"Next time, hindi mo na kailangang halikan ako sa pisngi o 'di kaya'y yakapin ako. We're just friends and I really want to prove to Tanya that I'm faithful to her."



Napalunok ako. Hala? Sinabi ba talaga 'yon ni Atriju sa harap ng matalik niyang kaibigan?! Tss. Serves her right. Masyado ba naman kasing feelingera!



"Okay. I'm just here to thank you. We're finally annulled! And I'm already free from that bastard. Gusto kong ayain ka rin sana na mag-dinner tayong dalawa at–"



"No. As you can see, si Tanya ang gusto kong makasama. And we already set our dinner for this night."

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon