37

336 19 0
                                    


Revoke

BINISITA ko si papa at nagulantang nang hindi lang pala siya ang mag-isa. He's with Tita Mylene and Rhonia. Namamaga ang mga mata ni Tita Mylene at gano'n din si Rhonia. Pansin ko ring pumapayat si Rhonia.



"Ano pong problema dito?" I butt in.



Rhonia's eyes grew wider while her mouth parted a bit. She even checked me from head to toe.



"Tumataba ka," she commented.



I scoffed. Bakit ba talaga 'yan ang unang sasabihin nila kapag nakita ako?!



"Nag-enjoy kasi sa buhay. Ikaw? Ba't ka naman pumayat? 'Di pa naman bagay sa'yo ang mas lalong pumayat. Para ka kasing nagka-anorexia." I mocked.



I don't want to be rude but I can't control my mouth. Palagi kong naaalala ang mga ginawa sa akin ng mag-inang ito. I'm not that mad with these two but still, I'm doubting their presence. Baka naman kasing ipapahiya na naman ako.



"Tanya," suway sa akin ni papa.



"Sorry, Pa. Naalala ko lang kasi ang mga nakakahiyang ginawa nila sa akin."



"Bakit? What did they do to you?"



I shrugged.



"Ask Tita Mylene."



"Tanya, I'm so sorry. Hindi na namin 'yon uulitin. That mistake won't do good."



Pagak akong natawa. Ba't ngayon niya lang naisip? Okay lang naman sa akin na napahiya ako no'ng sa kaarawan niya. But to involve my mom is not okay.



"Ilang beses mo na akong sinabihan na malandi ako katulad ni Mama, Tita. Bakit palagi mong sinasali si Mama? Wala na nga siya tapos palagi mo pang pinagsasabiban ng masama?!"



"Ginawa mo 'yon, Mylene?" malamig na tanong ni papa.



"Arki, sorry... Alam mo naman ang kinahihinatnan ko, 'di ba? Because of her presence, Omar and I broke up. Kami dapat ang ikinasal ni Omar," her voice broke.



I gasped. Naging sila ng papa ni Atriju noon pa talaga?



"We're done. Kayo na ang bahala sa problema niyo. Hindi ko kayo tutulungan."



"But Tito–" singit ni Rhonia.



"That's final."



Conscience filled me when they left. With their tired and restless faces, alam kong may problema sila.



"It's Welma's birthday today. She's inviting us for a dinner in their mansion. Wala namang bisita. Simpleng kainan lang anak."



Hindi agad ako nakasagot. I'm a bit shy because the last time I saw them was when I rejected Atriju's proposal. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila.



"Hindi sila galit sa akin, Pa?"



Papa's forehead creased.



"Bakit naman?"



Napayuko ako.



"That time when I just ran and didn't accept Atriju's proposal..."



"They're not mad. They're just glad that you're being honest. Ayaw naman nilang napipilitan ka."



Binisita namin ang puntod ni mama. Napaluha pa nga ako nang marinig ang hagulhol ni papa habang nakaluhod at ang isang kamay ay nakahawak sa lapida ni mama. After that, kumain kami sa malapit na karinderya. Hindi naman kami maarte at kumakain talaga kami sa ganitong uri ng lugar.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon