30

313 18 0
                                    

Oh my! Here you go! Last 10 chapters left!

————————

Proposal

BINISITA ko si Abby nang marinig ang balitang buntis siya. Akala ko ang masaya niyang mukha ang bubungad sa akin pero nagkakamali ako. She looks vulnerable. Parang bad news pa sa kanya ang balitang 'yon.



"Ba't hindi ka masaya? Magkaka-baby ka na ulit, girl."



"Ayokong magka-anak. Takot na takot akong maulit pang muli ang nangyari. Paano kung may sasaksak na naman sa akin? Tapos ano? Mawawala na naman ang bata na nasa sinapupunan ko?"



She's really traumatized.



"I understand. Ngunit wala ka nang magagawa dahil nandiyan na. All you need to do is to be careful always. Besides, aksidente ang lahat ng 'yon. At hindi ibig sabihin na porke't buntis ka ay mangyayari sa'yo 'yon ulit."



"Isang buwan na ang pagbubuntis mo 'di ba?"



"Oo."



"Gonna go shopping to buy clothes to your angel."



"H'wag kang masyadong excited, Tanya. Ayaw ko na talagang ma-disappoint at baka may masamang mangyari na naman."



Malungkot ko siyang hinarap.



"H'wag ka nga kasing nega Abs."



"Okay fine. I'll assure you, I will try to be okay," she said and tried to fake a smile.



"Oh sige, alis na ako ha? May date pa kasi kami ni Atriju."



Her fake smile turns into a smirk.



"Who would have thought that your most hated person was the only one who captured your heart..." she teased.



Natawa ako.



"Oo nga. Pati ako ay hindi rin makapaniwala."



"Sabi ko na nga ba talaga at dadating at dadating ang araw na mahuhulog ka rin kay Atriju!"



"Oo na. Sige na, bye bye!"



Nasa parking area na pala naghihintay si Atriju.



"Ba't hindi ka na lang dumiretso sa unit ni Abby? Nandito ka na rin pala."



"Kakarating ko pa kasi."



"Ah, kaya pala. Saan ba tayo?"



"Manila Ocean Park," he answered.



Agad akong na-excite. Honestly, anim na taong gulang pa ako no'n nang makapunta sa ocean park. At kahit may mga free time naman ay hindi ko nagawang pumunta muli doon. Hindi ko na nga alam kung ano na ang itsura do'n.



"Mabuti hindi ka nagdala ng kotse at baka mag-convoy pa tayo."



"I know. Mas bet ko lang talaga kasi ang sasakyan mo, sobrang bango."

He chuckled.



"You're adorable."



I rolled my eyes.



"I'm not a kid anymore."



"But you're still acting like a kid."



I snorted.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon