14

380 26 0
                                    


Hurt

MALAKI ang ngiti ko habang nagpapasalamat sa akin si Sir Zadz. And it's been a week nang ipinagdiriwang ang birthday party ng kanyang kapatid.



Malaki daw ang naitulong ko lalo na sa predebut video na umabot ng 210K reacts na ikinatuwa ng sobra ng kapatid niya. And so far, para sa akin 'yon ang pinakamaganda sa lahat ng nagawa ko.



"Salamat rin Sir."



He chuckled.



"Just Zadz. Call me Zadz. Parang ang tanda ko naman kung tinatawag mo akong Sir, magkasing-edad lang naman tayo."


"Sige Z-Zadz," naiilang kong wika at nagpaalam nang aalis na.


Medyo nakaramdam ako ng kilig. Na-miss ko tuloy ang makipaghalikan sa mga ka-fling ko. Malandi na kung malandi pero dati talaga ay parang inuuhaw ako at palaging naghahanap ng makakahalikan. Sounds gross, right?



Pero ngayon hindi ko alam dahil madalang na rin naman akong nagpupunta sa bar at isa pa wala na rin naman akong makakasama kasi ang Abby na 'yon ay nauna nang magpabuntis!


At saka pinagbabawalan rin ako ni Atriju. Pero bakit ko nga ba siya sinusunod? Siguro dahil alam kong nakakasama talaga sa kalusugan ko lalo na't bumalik na naman ang asthma ko.


Napangiwi ako nang maalala na naman ang nangyari sa amin kagabi. We tried momol again on his room but to my surprise, hindi niya ginamit ang kahinaan ko. Hindi niya ako hinubaran sa pang-ibaba.



Kasi kagabi, handang-handa na talaga ako na ibigay ang sarili ko pero mabuti dahil nakontrol niya ang kanyang sarili dahil sabi niya malaki ang respeto niya sa akin. O 'di ba? Kung ibang lalaki 'yon ay paniguradong goodbye virginity na talaga!


Pero nakakapagtaka. Alam ko namang may experience na siya sa ibang babae pero hindi niya pa rin hinayaan ang kanyang sarili na madala sa sensasyon dahil ayaw niya daw akong i-take advantage. Baka naman pinapahalagahan niya lang ang pagkakaibigan namin?



Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o mangangamba na. Minsan napapaisip na lang ako na isa kami sa sinasabing friends with benefits. Mukhang accurate pa nga ang term na fuck buddies.


Binisita ko si Abby sa kanila. In fairness, malaki na ang tiyan niya. Can't wait na maging ninang ng anak niya.



"Na-miss ko tuloy ang Malzeryc," ani Abby.


Since then, suki na talaga kami sa Malzeryc ni Abby. Do'n rin namin nakilala ang isa't-isa. Umiiyak siya no'n dahil hindi niya kayang aminin kay Jemi ang nararamdaman niya para sa lalaki. Naging sila nga pero sa huli ay ang kapatid naman pala ni Jemi ang papakasalan niya. Nakakatawa.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon