ForgivenessPAGBUKAS ko ng pintuan ay agad akong sinalubong ng yakap ni Atriju at pinapalibutan ng halik ang buong mukha ko. Mahina ko siyang tinulak at sinimangutan. Ganito ang palagi niyang ginagawa kapag bumibisita siya dito sa condo ko.
"Na-miss kita."
"Isang araw lang tayong hindi nagkita, na-miss mo agad ako?"
Niyakap niya ako ulit at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko habang inaamoy-amoy ito.
"Hoy, amoy pawis ako! Ano ka ba!" saway ko sa kanya.
Tumawa lamang siya at pinalibutan rin ng halik ang leeg ko bago dumistansya sa akin.
Being in a relationship with him for four months made me fell on him even more. With his actions, sweet gestures, his presence, all of him. Mahal ko na talaga siguro ang lalaking 'to.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?"
I shrugged. "I honestly don't know."
"Do'n na kasi tayo sa mansyon. You won't get bored there roaming around."
"Sigurado ka na ba talaga sa akin Atriju?" I asked him in a serious tone.
There's a part of me that been scared since when I've been in a relationship with him. It's really normal for me because he's my first boyfriend and I also want him to be my last. Okay na sa akin na hindi kami maikasal kasi hindi ko naman talaga gustong makasal. I'm just hoping that his love will never fade slowly.
Atriju ruffled his hair. He stared at me, serious and menacing.
"Ilang beses mo na sa akin 'yan natanong. Stop being doubtful, love. I love you and I always do."
He seems disappointed. Hindi ko lang talaga maiwasang itanong sa kanya 'yon ng paulit-ulit.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"Okay. Let's stay there for a month." I said and gave him an assuring smile.
Na-miss ko na rin kasi si Zari. Si Manang Lena ang nag-aalaga sa pusang 'yon kaya nakakainggit.
"Thanks love. But you know what, it's really better if we live there and started to build a family. How about that?" nakangisi niyang tanong.
I frowned and ignored him.
"Pero bago kita aanakan, syempre papakasalan pa kita," he said in a lively tone.
Bumigat ang paghinga ko. Hindi ko maiwasang kabisaduhin ang galak na galak niyang mukha. He's so happy while imagining the idea of marrying me but I'm not. God knows how I hate the idea of marriage, not just the word itself but the whole process of it.
Napawi ang ngiti niya. Umayos siya sa pagkakatayo at masinsinang tinitigan ako. Nilabanan ko ang titig niya ngunit dahil hindi ko kinaya, ako na ang umiwas.
"Sorry..." he muttered.
"No. Ako dapat ang mag-sorry sa'yo. Sorry Atriju if I can't fullfill that one of your goal in life. Alam kong gustong-gusto niyong mga kalalakihan ang maikasal sa babaeng pinapangarap niyo. But I just can't..."
He slowly nodded.
"I understand, Tanya. No need to be sorry. Being with you is already enough."
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...