10

460 37 0
                                    


Cebu

NASA loob ako ng fast food restaurant. Nagkasalubong ang kilay ko nang matanaw ang papalapit na si Anton sa table ko. Wow, ang kapal ng mukha at umupo pa talaga sa harap ko!



"Oh, nandito ka pala Anton?" I sarcastically said.


"Oo nga e. Do you mind if I join you here?"



I shrugged my shoulders.



"Well, don't have any choice since nakaupo ka na sa harapan ko."


He chuckled. "I see. Galit na galit ka sa akin."



"Obvious ba masyado?"


"Sorry for that, Tanya. But I really don't regret kissing you–"


"Ows, talaga? Ano pa bang gusto mong gawin?"



Tumikhim siya.



"I don't regret kissing you that time because that's the reason I'm being free right now. You see, Sharon and I are back!" he happily said.



"Should I congratulate you then?"


"No need Tanya. I'm just here to have peace. Your cousin is just so annoying and so obsessed. Minsan napapaisip ako kung may saltik ba sa utak ang babaeng 'yon. Mabuti nga at hindi kayo magka-ugali."



I rolled my eyes. "Baka nga may mental disorder ang Rhonia'ng 'yon."



Sabay kaming napatawa. We have a smooth conversation. He's a good guy naman pala at naiintindihan ko kung bakit niya 'yon ginawa dahil mahal na mahal niya si Sharon. At wala namang masama dahil ipinaglaban niya si Sharon. That's so sweet of him.


"Mauna na ako. Thanks for your time," sabi niya at pumasok na sa kanyang sasakyan.


Maglalakad na sana ako papalapit sa sasakyan ko pero bigla akong napaluhod dahil sa taong biglang tumulak sa akin. What the hell?!


Nilingon ko ito at mahina akong napasinghap nang makita si Rhonia kasama si Tita Mylene.


"Did you see that Mommy? She's secretly seeing Anton!"


"Is that true Tanya?"


Hindi ko sila pinansin at prenteng tumayo habang pinagpagan ang sarili.


"Attitude ka talaga Tanya noh?!"



Napangiwi ako nang hablutin ni Rhonia ang buhok ko sabay tulak sa akin ng malakas.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon