11

462 36 0
                                    


Happiness

GUSTO kong maiyak sa tuwa. Hindi ako makapaniwala sa dami ng comments at shares. Oh my, I'm so beyond happy right now!



Kakagawa ko pa lang ng page for my predebut videos. Gusto ko kasing mag-try at luckily kahit first time ko pa ay may kumuha sa akin. Actually, ako ang naging event planner at the same time photographer at videographer ng debutant tapos hindi rin ako makapaniwala na ang predebut video na gawa ko ay pupunuin ng papuri.



The theme is all about disney princess at si Cinderella ang pinili ko sa una kong debutant. And unexpectedly, ang daming nag-message sa akin.



Tapos kahapon, kaka-post ko pa lang sa pangalawang debutant tapos ngayon ay umabot agad sa 51K ang reacts tapos ang good vibes ng mga comments. Nanginginig kong pinost sa page ang predubut photo sessions. Nakalimutan ko kasing i-post kahapon.



Maluha-luha kong pinindot ang accept button nang makita ang pangalan ni Abby sa screen.



"Hoy, famous ka na pala noh?"



Nasabi niya kasi pati profile ko sa page ay inamag rin ng comments na puro nagtatanong kung kailan ako pwede ulit. Ang iba naman ay nanghingi ng number. Pati nga facebook account ko ay ang dami na rin ang nag-friend request.



"Shut up, Abby!"


"Sus. Libre mo naman ako. Magdala ka ng mga chocolates dito at hilaw na mangga, ha? 'Yan lang ang hinihingi ko kaya h'wag kuripot."



"Paki-convert na lang ang reacts, comments, at shares para wala ng problema," biro ko.


"Uy, loko ka talaga Tanya! Pakidagdag na din ng lansones. Oh sige, bye na at maghihintay ako!"


Hindi na ako nagtagal kina Abby at pagkatapos kong maibigay ang pinapabili nya ay umalis na agad ako. May i-me-meet pa ako tungkol sa usapang debut na naman. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng sobrang saya.



Mahilig talaga ako sa photography simula high school pa ako. Pero hindi ko ini-expect na ngayon ay gumagawa rin ako ng mga video. Besides, swerte rin dahil nasasabay ko rin ang pagiging event planner ko. All in all, tatlo ang tinatrabaho ko sa isang event lamang. Photographer, videographer, at event planner. Oh ha? Saan pa ako hahanap?


"Hi Sir!" bati ko sa lalaki na mukhang kasing-edad ko lang din.


Napag-usapan namin na magaganap lamang sa mansion nila ang shooting. Ang gusto daw ng kapatid niya ay si Rapunzel ang gagayahin niya kaya agad akong sumang-ayon. Kung gano'n kailangan rin naming bumili ng hair extension. Besides, wala ng poproblemahin dahil may venue na.


"Thanks Sir Zadz," pasasalamat ko sa lalaki na hindi man lang nakitaan ng kahit na anong emosyon. Sayang, gwapo pa naman pero mukhang robot.



"Welcome," anito at nauna nang umalis.



Tinawagan ko naman agad ang dalawa kong kilalang bakla. Big credits din sa kanila at sila ang naging ka-team ko. Si Janie ay ang make-up artist at si Raveka naman ay ang bahalang maghanap ng mga outfit na susuotin ng debutant para sa shooting. Pero hindi talaga kami lugi dahil ang laki ng binayad sa amin.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon