09

472 40 0
                                    


Hickey

BINISITA ko si Abby habang may dalang mga prutas. Kahit gano'n 'yon syempre sobrang na-miss ko rin ang babaeng 'yon.


"Ang caring mo naman pala Tanya! Akala ko nakalimutan mo na ako."


"Hindi naman talaga 'to para sa'yo. Kay Jerbi ko sana 'to ibibigay noh."


Natawa ako sa naging reaksyon niya kaya nag-peace sign ako at baka masabunutan pa ako ng wala sa oras.


May lakad pala si Jerbi kaya siya lang ang mag-isa ngayon. Napag-usapan rin namin ang tungkol sa morning sickness niya. Kung saan-saan na umabot ang pinag-uusapan namin dahil hindi nauubusan ng topic ang bruha. Wala na nga akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil ang bilis niyang magsalita.



"Oh nandiyan na pala si Jerbi, Abby! Uwi na ako ha?" paalam ko.


Nagising ako at napangiwi sa biglaang paninikip ng dibdib ko. I checked the time and it's 10 PM sharp. Maaga akong natulog dahil puyat ako kagabi pero hindi ko alam na magigising ako sa oras na 'to na inaatake ng asthma. For sure, mapupuyat ako nito.


Kinakabahan ako habang nagsisimula na akong kinakapos ng hininga. Shit! Bumabalik na naman! Akala ko tuluyan nang nawala dahil ilang taon na rin ang lumipas no'ng huli akong nagkaroon ng asthma.


I started coughing and wheezing loudly. Hinalukay ko ang drawer and finally ay nakita ko rin ang inhaler. Pero laking pagkabigo ko nang wala akong malanghap. Wala na palang laman! Hindi ko alam kung sino ang tatawagan at uutusan ko. Kung si Abby naman ay bawal dahil buntis siya.


Tinawagan ko pa rin si Abby at baka makahingi ako ng tulong kay Jerbi pero naka-off na ang cellphone niya! Naluluha akong tumayo at nanghihinang napainom ng tubig. Hindi na talaga ako makahinga ng maayos. I really need someone's help!


"Tanya?" sagot nito at halatang galing sa pagtulog.


"A-Atriju... H-Help!" I stuttered.


"What happened?" he asked.


Hindi ako makapagsalita dahil panay ang pag-ubo ko.



"Tanya?!" kinakabahang wika niya dahil hindi ko pa rin magawang magsalita.


Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.


Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon