Everything
NIYAKAP ako ni Abby habang hinahagod ang likod ko. Nagpunta agad ako dito dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa video'ng napanood ko. Nakakadown ng sarili. I didn't even posted that video!
"Tanya, at least na-delete mo na naman..."
"Pero Abby, alam mo naman siguro kung social media na ang pag-uusapan. Baka nga nakapag-save na yung iba at pinakita rin sa mga kasamahan nila. Sobrang nakakahiya. Pakiramdam ko ay nababoy ako..."
Hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin. May taong pinagdududahan na ako kung sino ang nag-post. Pero bakit kailangan pang gawin ng taong 'yon sa akin? Sobra na kasi e.
"So, ang Shielle na 'yon ang pinagdududahan mo?"
Tumatango akong nagpapahid ng luha.
Alam kong siya talaga ang gumawa! Kaya siguro hinintay niya ako na matapos sa pagligo para makuhang muli ang cellphone niya. Ang galing namang magtago ng babaeng 'yon at hindi ko talaga nakita ang cellphone sa loob ng cr habang naliligo ako.
"Alam na ba ni Atriju?"
I shook my head.
"Hindi ko pa siya nasabihan. Nasa trabaho pa siya at ayaw kung i-cancel na naman niya ang taping para sa akin. Masyado na akong nakakaabala sa kanya, Abby."
Kung nagche-check siya sa facebook ay malamang nakita niya siguro ang video ko. At paniguradong tatawagan agad ako nun.
"Natural lang naman na matataranta 'yang si Atriju dahil masyado pa namang protected ang lalaking 'yon."
I agree. Ayaw nga ni Atriju na pinagpapawisan ako maliban lamang kung nag-eehersisyo ako.
"Hatid na kita sa condo mo. Gabi na at baka hinahanap ka na ni Atriju."
"H'wag na. May dala naman akong kotse. Besides, nasa mansyon niya ako nanatili."
Abby smirked.
"Parang mag-asawa lang ang peg. Nakapagtayo na ng dream house 'yang mister mo, kulang na lang ang bumuo ng bata."
Sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...