FaultNANDITO kami sa mansyon ng parents ni Atriju. Masyadong maluwag pero hindi pa rin maipagkakaila na mas malawak at malaki pa ang kay Atriju.
It's my first time being here but I'm not nervous anymore since I already met them for how many times. They invited us to spend three days here being with them.
"I actually like you hija. I'm glad na sinagot mo na ang anak ko."
"He's really persistent on pursuing me Tita," natatawa kong tugon. "Noon pa lamang ay tinataboy ko na siya. Honestly, ang harsh ko talaga sa kanya noon, e. And I never expected that I end up with him."
"The more you hate, the more you love." Tita Welma teased.
Inilagay ko ang brownies sa oven. Nagpaturo kasi ako sa kanya.
"Saka okay ka na ba talaga hija? Dapat kinasuhan mo na rin ang Shielle na 'yon."
"Galit na galit ako sa kanya pero nagawa ko pa ring maawa sa sitwasyon niya. At least, nagising na siya sa katotohanan. And it's really cruel to be in jail while being pregnant. Saka yung kaibigan niya na mismong nag-post ng video ay kakasuhan sana namin ni Atriju ngunit nagmamakaawa rin na hindi na niya uulitin. Ang mahalaga ay nagsisisi naman sila sa ginawa nila."
"Ang galing talaga pumili ng anak ko. Complete package na!" she said and gave me a quick hug.
"Gusto ko talagang magkaroon ng babaeng anak pero hindi ako biniyayaan, e. But anyways, may kinakasama na naman ang anak ko. At baka pwede niyo na kaming bigyan ni Omar ng apo hija," dagdag niya pa.
Napangiwi ako at unti-unting natawa.
"Hindi pa naman kami nagmamadali Tita."
"Sige. Kahit h'wag muna ang apo basta't magpakasal na kayo para sigurado nang ikaw na ang magiging daughter-in-law ko," Tita Welma giggled.
Hindi ako nakapagsalita. Bumaling ako sa ibang direksiyon at namataan si Atriju na nakasandal sa pader.
Umalis muna si Tita Welma dahil mag-ccr pa daw.
"Don't mind Mama's words. She's really that vocal," wika ni Atriju at inakbayan ako.
Hindi ko maiwasang malungkot. Pero nag-e-expect kasi si Tita. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Tita Welma kung malaman niyang wala akong balak magpakasal?
"Magugustuhan pa ba kaya ako ng Mama mo kapag malaman niyang wala akong planong magpakasal?"
"Of course."
"But surely, she will be disappointed, right?"
"Maybe..."
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang brownies sa oven. Oh my gosh!
Napahinga ako ng maluwag nang makitang hindi sunog.
Nang matapos naming kainin ang brownies ay nag-aya si Tita Welma na mag-movie marathon kami. While watching a movie, nakahiga ako sa hita ni Atriju. Sinaway ko pa siya dahil naiilang ako sa malalim niyang tingin sa mukha ko. Nanonood ako ng movie at siya tingin nang tingin sa akin. Hindi tuloy ako maka-focus!
"Bakit ba kasi ang ganda mo?" mahina niyang wika.
Napalunok ako at napagpasyahang maupo na lamang at sumandal sa sofa. Kainis naman kasi ni Atriju! Pabigla-bigla ba naman kasing magpakilig.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...