16

381 26 0
                                    


Momol

NANINIBAGO ako sa kinikilos ni Atriju. Mula nang makabalik siya ay dumiretso agad siya dito sa condo ko. Malaki ang ngiti kong sinalubong siya pero mukha naman siyang binagsakan ng langit.



"May problema ba?"


"Tangina!" he cursed.



Napaawang ang labi ko sa biglang pagmumura niya.


"Hoy Atriju! Kung gusto mong magwala, h'wag naman sana dito sa unit ko."


"Tangina lang kasi Tanya!"


Napahawak ako sa dibdib. Galit na galit talaga siya at kulang na lang ang magwala.



Mabilis akong tumakbo sa kwarto at kinuha ang inhaler. Hinihimas-himas ko ang aking dibdib nang makaramdam ng kirot.


"Tanya, are you okay? Sorry, sorry..."



Tinanggap ko ang tubig na inilahad niya at hindi sumagot. Pareho kaming walang imik. Nakasandal ako sa headboard ng kama habang siya naman ay nakaupo sa sahig.


"A-Ano ba kasing problema mo?" tanong ko.



"Family problem," tipid niyang sagot. "Sorry for shouting. Hinding-hindi na 'yon mauulit."


"O-Okay lang naman 'yon. Nagulat lang talaga ako."


Tumayo siya at naghahabol ng hininga. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.


"How are you? Kumusta ang walong araw?" seryoso niyang tanong.



"Worst," sagot ko at pagak na tumawa.



His forehead creased.



"Why?"



Huminga ako ng malalim at napayuko na lamang. "I think I need a hug."


Bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay ko at agad akong niyakap. Isiniksik ko naman ang mukha ko sa leeg niya.



"Come on, tell me," he whispered while combing my hair using his fingers.


Napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na hininga niya sa tainga ko.


"Tita Mylene invited me to her birthday that time. Ayon, nagkagulo. She mentioned my mom at sinabihan ng masama. Pati rin si Rhonia ay binaligtag ba naman ang storya. She told everyone that I'm secretly seeing Anton and even forced him to stop the marriage.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon