TO ALL MY FANS OUTDER, this is one of my story na naman. At para kay Chreestine na sobrang miss na miss ko na include her fafas in her novel. IBALIK MO NA SILA *O*
CHAPTER ONE
“MISS, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tama iyang nabasa mo.” Halos gusto ng ihampas ni Maria ang manuscript na hawak niya at sulat ng timmus publication sa guard na kausap niya ngayon bukod kasi sa reject ang pinagpuyatan niyang nobela ay ayaw man lang siyang pagbigyan na kausapin ang namamahala ng company.
“Pero gusto kong makausap ang editor-in-chief niyo, o iyong boss niyo kung sino man ang nariyan. I want to clear things up‼”
Pero alam niya sa sarili niyang ang sinulat niya ay isa na sa mga pinag-isipan at pinagplanuhan iyang istorya sa labing dalawang taon niya sa mundo ng pagsusulat. Kaya alam niyang hindi dapat basta basta mareject ito. Alam niya sa sarili niyang this novel should deserved something.
“Pero ma’am, inuulit ko po saka niyo lang makakausap ang manager dito kapag may scheduled appointment kayo sa kanya. Hindi iyong basta basta kayo pumapasok sa opisina niya.”
“Nooooo.” She almost screamed na pakiramdam niya nabasag na ang eardrums ng kaharap niyang guard kulang nalang ay paulanin niya ito ng mura. Ngunit dahil isa siyang proud literature student ng isang magandang universidad sa kamaynilaan ang kasalukuyan niyang estados sa buhay gusto niya paring maglaan ng kunting respeto sa iba para marespeto siya. Again, she face the guard, nais na niya sanang magsalita ngunit bigla nalang napukaw ang atensyon niya sa lalaking tumabi sa guard. At dahan dahan niyang nilingon ito.
“Anong nangyayari dito manong?” That blue eyed, tall, white and handsome man asked the manong guard. Napalingon naman ang manong guard habang bahagyang napanganga pa si Maria. Hindi siya ganoon kasanay maexpose sa mga gwapong lalaki dahil isa siyang hopeless romantic na nakakaranas lang ng kilig sa kanyang novel o sa ibang tao. Pero ayaw niyang magtaksil ngayon. Naisip niya na ito siguro ang boss sa timmus publishing company kaya nag-alburoto ang kanyang hormones at umakyat ito sa kanyang utak. Na parang bulkang gustong sumabog ng wala sa oras.
“Ikaw siguro ang boss nila dito no. I want to talk with you. Nais ko sanang linawin na bago kayo magreject ng napakagandang nobela eh basahin mo muna ito ng ilang besis. Kung ilang besis pinag-isipan ng writer ang bawat eksena. Kung ilang besis niyang pinag-isipan kung papaano niya mapapasaya ang mga mambabasa niya tapos sa hindi ko magets na kadahilanan eh irereject mo lang ang gawa ko!!!”
Pinipigilan na siya ni Manong guard dahil halos bigwasan na niya ang lalaking nasa harapan niya. Naiinis siya at nasasaktan. Ilang besis na siyang nagpasa ng nobela sa kabilang Publication Company. Ilan sa mga ito ay pumatok sa lasa ng mambabasa. Ang ilan nga dito ay nasa top grossing pocketbook sa isang bookstore noong nakaraang buwan. Kaya naman napagpasyahan na niyang magbigay ng manuscript sa Timmus Publication Company isa sa mga publication na well-knowned at mataas ang gross income. Hindi siya nagbakasakali dahil malaki ang tiwala niya sa sarili.
Hindi naman umiimik ang lalaking nasa harapan niya. Nakatingin lang ito sa kanya habang pinapanood ang pag-iiskandalo nito. Minsan nga napangiti nalang ito dahil sa childish na ginagawa ni Maria.
Bumuntong hininga ang lalaki saka lumapit kay Maria. Napatigil naman si Maria sa pagpupumiglas. Feeling niya bigla siyang natakot sa pagkilos ng lalaki papunta sa kanya. And her breath reaches the peak point because of the man’s aura.
“Can I see your manuscript.” Inagaw agad ng lalaki ang hawak na manuscript ni Maria kahit na hindi pa ito nakapg-ayos ng sarili. Binuklat ang manuscript saka sinuri ang bawat letrang nakaimprinta dito. Ilang minuto lang ay isinara na niya. Naghintay si Maria ng feedback. Dahil kung reject pa siya sa pangalawang pagkakataon ay susunggaban na talaga niya ang lalaking nasa harapan niya.
“Napakacommon ng plot. Hindi ako satisfied. Hindi siya reader catcher. Masyadong typical ang mga eksena. Round ang characters.” Tapos ibinalik ulit ng lalaking iyon ang manuscript sa palad ni Maria na malapit nanaman mag-alburuto. Unang besis niyang masabihan ng ganoong salita. She never receieved any critics in her works before. Ngayon lang.
“Ganito na ba talaga kayo dito? Masyadong mataas ang standards?” Inis niyang komento. Kung pwede lang ihampas din ang manuscript sa ulo ng lalaking nasa harapan niya tulad ng ginawa niya sa guard kanina ay ginawa na niya. pero inisip niya, gusto niyang maging isang sikat na manunulat. Bata pa lamang siya iyon na ang pangarap niya. At ngayon ayaw na niya na sa mga simpleng bookstore lang nakikita ang gawa niya. Ayaw na niyang limitado lang ang kopya ng kanyang gawa. Gusto niyang matulad sa mga kakilala niyang writer sa writing industry na ngayon ay umaani na ng parangal. Kaya ngayon kahit anong mangyari gusto niyang makapasok sa Timmus Publishing Company. Ang kompanyang naghahawak ng mga sikat na libro sa bansa.
“Alam mo naman na ang Timmus ang pinakamalaking publishing company dito sa bansa kaya hangga’t maaari gusto naming mapangalagaan ang reputasyon ng kompanya namin. Hindi kami magrerelease ng mga istorya dahil sa gusto lang namin maka-gain at maka-encourage ng readers. We also want a story that is unique. Hindi cliche. Kaya we set a standard especially sa mga baguhan.”
Nasisiraan na siya ng ulo. Bulong niya sa sarili. Sa mata ngayon ni Maria isa lang sa mga taong masasabihan niyang arogante ay ang lalaking lumait sa gawa niya. And that time na-challenge tuloy siya. Naganahan at nabigyan ng motibo.
“Sige. Babalik ulit ako dito sa company ni—”
“No need. Ilang besis kong sasabihin sayo na hindi papasa iyang nobela mo dito. Napaka-common.”
“Well then, common things are the best. Hindi man ito ang nobela na magpapatunay ng salitang sinabi ko few minutes ago may isang bagay naman na magpapatunay noon. Babalik ako kasama ang nobela na lalagpas pa sa level of highness of standard ng kompanya niyo.” Hamon niya. Babalik ulit siya sa kompanyang ito hatid ang magandang nobela na tiyak ay magiging dahilan ng pagnganga ng lalaking ito.
“Okay, if that’s what you said. Goodluck.” Ngiti nito. Nadistract ulit siya. Para bang sumpa iyon sa kanya na tuwing nakakakita siya ng sweet smile o mga nakakabighaning mukha na dahilan ng pagtiklop niya. Kaya bago mangyari iyon ay tumalikod na siya’t nagsimulang umalis sa lugar na iyon. Dala-dala ang pag-asa na babalik siya sa lugar na iyon na dala ang gawang magpupunta sa kanya sa kasikatan.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...