CHAPTER FOURTEEN:
Author’s Note: Pasensya na sa angtagal na update! Nagkasakit kasi ako tulad ni Maria na nalunod. HAHAHAHA!
Salamat sa mga nagbabasa! Pakilike narin iyong page kuno niya para naman matuwa ang sanlibutang Pilipinas. Thanks!
Dedicated ito kay ate ko JHING BAUTISTA! Alam kong hindi niya ito binabasa. Pero gusto ko itong idedicate kasi idol ko siya! Sobra. Galing niya kasing magsulat lalo na iyong fictitious niyang story. Nagustuhan ko. Fantasy. Kakaibang genre.
UNTI-unting binalot ng liwanag ang paligid ni Maria na naging dahilan ng kanyang pagpikit. Hindi niya rin namamalayang parang hinihigop ng isang whirlpool ang kanyang katawan pabalik sa realidad. Ang astig ng natutunghayan niya. Ang buong akala niya sa mga fantasy novels lang niya nababasa ang mga ganitong pangyayari na nararanasan niya ngunit pati rin pala sa sarili niyang kwento ng buhay.
At oo, naimulat niya ang kanyang mata at gising na siya mula sa nakaraan niyang panaginip. Hindi muna siya nakagalaw o nakagawa ng unang verb ng nagising siya.Parang ilang minuto pa siyang kumuha ng ulirat saka biglaang humugot ng oxygen sa kanyang baga dahil nakaramdam siya ng panunuyot ng lalamunan.
At sa sobrang pressure ng paghagilap niya ng oxygen ay napaupo pa siya na naging dahilan ng pagkagulat niya dahil sa isang lalaking nakasandal sa pader habang pinagmamasdan siya, nakangiti.Hindi niya alam kong papaano niya nagawa ang magulat despite of her unconciousness pero bilib siya sa sarili kasi multi-tasking siya ng mga oras na iyon.
She took a long breath bago niya kinausap ang gwapong nilalang na nakasandal sa pader.
“So pangarap mo na palang maging butiki ngayon at feel na feel mong sumandal diyan sa pader. Anong ginagawa mo dito? At asaan ako! At bakit ka nandito? Kasama ko?”
Sa dami ng tanong ni Maria ay napahands on pocket na lang si Francis at tinanggal ang sarili sa pagkakasandal at lumapit sa dalagang kagigising lang. Nagsimula itong maglakad papunta sa kama ni Maria.
“Ganyan ka ba talaga bumati ng hello?”
Pagseseduce pa nito kay Maria na iniwasan naman ng dalaga dahil ayaw niya sa ganitong pangyayari but still captivating her.
“Oo. Bilib ka no? Ako lang ganyan bumati ng hello.” Pamimilosopo lalo ni Maria na naging dahilan ulit ng bizarre na ngiti ng binata na naging dahilan ng pagtalon ng puso ni Maria sa asar. Kaya upang hindi makita ang nakakaasar na mukha ng binata ay napagpasyahan niya nalang na itilapon ang sarili sa malambot na kama at tinakpan ang buong katawan ng kumot. Medyo malamig kasi dahil sa aircon at dahil narin sa kalagayan niya.
“Buti nagising ka na, nag-alala ako ng lubusan sa’yo.”
Out of nowhere ay narinig niya ang boses na iyon. Nakarating na sa kama si Francis at sinambit ang mga katagang iyon. Biglang napahinto ang tibok ng puso ni Maria. Hindi dahil bigla siyang namatay sa mga salitang iyon kundi dahil bumubwelo ang puso niya para mag-rigodon sa sobrang kilig. Oo aaminin niyang nakakakilig ang mga sinabi ni Francis. Ngayon niya lang kasi narinig ito sa isang lalaki na minsan nababasa lang niya sa libro. Naisip niya mas masaya pala at mas nakakakilig kapag binagkas ang mga linya na ma-keso sa personal. May buhay, may salitang pag-ibig.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...