Para sa lahat ng nagmamahal kay Jang Geun Suk, taken ko na po siya. HAHAHA. Enjoy reading!
Chapter Two:
“ANO? Ni-reject ng Timmus Publication ang gawa mo?” Announced ni Tine, isa sa mga kaklase at best friend ni Maria ng College. Kasalukuyan silang nagpapalamig sa canteen na de aircon dahil nga nasa isa silang sikat na paaralan sa kamaynilaan. Masaya din si Maria na nag-aaral doon kahit na medyo mahal dahil bukod sa nag-eenjoy siya sa course niyang ABLiterature ay natutuwa siya sa mga facilities dito.
She sips her Frapp na inorder nila sa Cafe canteen na iyon. Saka bumuntong hininga at inaalala ang mga nakalipas na nangyari sa publication na pinuntahan niya.
“Oo, tama ka. Na-reject ako for the first time. Badtrip nga eh, pinaghirapan ko iyong icompose. Halos nagkulong ako ng tatlong araw sa bahay at tiniis na hindi mapanood ang pelikula ni Papa PJ tapos marereject lang.”
Gustong pagtuunan ng galit ni Maria ang kanyang frapp pero nagbago din agad ang isip niya dahil inisip niya mahal ang frapp na iyon. Hindi ganoon kayaman ang pamilya nila, tinatanggap niya. Sapat lang ang buhay nila. Ang papa niya ay nagtratrabaho sa isang Travel Company at ang nanay naman niya ay isang landscape architect. Bunso siya sa tatlong magkakapatid na babae. At siya nalang ang nag-aaral ngayon. She took AB Literature and now a Third year student. Because of her passion in writing and reading novels na halos lahat yata ng nobela ng Filipino and English writers ay nabasa na niya. She has a passion in writing din since noong elementary siya. Nangarap din siya ng mataas. Lalo na sa writing career niya. At ayaw niyang masira iyon dahil lang sa hindi siya natanggap sa Timmus Publication.
At iyon ang naging dahilan ng pag-challenge niya sa sarili niya ang gumawa ng nobela na lalagpas sa standards ng lalaking nakaharap niya at sa standards ng Timmus Publication.
“Sabi niya saakin napaka-cliche daw ng gawa ko, napakacommon. Stereotype din ang characters ko. Ayaw ko naman iyon. Kaya chinallege ko siya na babalik ako sa company na iyon na dala ang masterpiece ko. Hindi cliche, hindi stereotype.”
“So anong balak mo? Magpupuyat ka ulit? Hindi ka ulit kakain para malaman mo ang cliche story sa hindi? Nako, marami namang publising company diyan Maria. Bakit hindi mo kunin iyon offer ng Balena Publishing?” Mungkahi ng kaibigan niya habang inieenjoy na kainin ang Blue Cheeseberry Cake.
“Ayoko doon. Gusto ko sa Timmus Publication. Naniniwala ako na doon ako mamamayagpag.”
“Ewan ko sayo.” Iniwasan nalang siya ng kaibigan niya. Dahil alam ni Maria na matigas talaga ang ulo nito. Kung ano ang gusto niya iyon ang gagawin niya. Ayaw niya sa mga bagay na hindi siya natutuwa. Iyong pilit at hindi enjoyable. Mas gusto niyang mahirapan sa mga bagay na balang araw ay magpapasaya sa kanya.
Pero papaano niya gagawin iyon. Ang nobelang mga ginagawa niya ay based sa mga fiction din na nababasa niya. Nirerevise or pinapalawak o minsan iniiba niya ang concept. Kung susundin niya ulit ang ganoong technique ay tiyak na matitilapon nanaman ang gawa nito.
“Ano kayang magandang twist sa mga story para maavoid ang cliche?” Monologue niya sa sarili. Pero nakisabat naman itong si Tine.
“Hindi mo maiiwasan ang cliche. Sabi nga ng isang author, the reason that clichés become clichés is that they are the hammers and screwdrivers in the toolbox of communication,” pagpapaliwanag pa niya dito. Ngayon napa-isip siya. Papaano niya maiiwasan ang cliche stories? Gusto niyang makapagsulat ng iba. Gusto niyang magsulat ng kwentong hindi pa nakwekwento ng iba.
“Dibale, makakapagsulat ka rin ng isang nobela na hindi pa nasulat ng iba. Tara na, may literature analysis pa tayo.” Bumuntong hininga siya. Sana matapos ang oras na iyon na may mga naipon na siyang kwento sa utak. Hindi lang basta kwento kundi konsepto.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Fiksi RemajaNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...