CHAPTER 18
Author's Note:
Gusto kong baguhin ang title ng TWLS. Napansin ko kasi marami siyang ka-TITLE na napublished narin. Medyo hindi lang ako nagagalak kasi baka sabihing ginaya ko churvaness kaya papalitan ko na lang as soon as possible. Ang sinabi ko hanggang 25 chapters lang ito kaya bibilisan ko na ang phasing. :) Pasensya rin sa mabagal na kwento at sa ganitong chapter ngayon. nag-rush lang ako kasi nadagdagan na ang utang kong pending chapters. Dedicated nga pala kay, Sy_BitterReen, Maraming salamat sa pagbabasa at paglagay mo sa iyong reading list ng gawa ko. Hope nagugustuhan mo ang story! :)))
~*~*~
ISANG masayang araw sa babaeng sobrang aga kong magising. Si Maria iyon. Sa hindi malamang kadahilanan—alam na pala—ay himalang nagising ito na naaayon sa kanyang alarm clock. Sa pagkakaalam kasi sa katangian ni Maria isa rin siya sa mga tipikal na college student na kapag nag-alarm ng alas singko ng umaga ay nauurong ng alas syete.
Pero iba ngayon, dahil may taglay siyang kakaibang inerhiya ay mas advance pa siya ng one minute sa alarm clock na nagising.
“Good Morning Pilipinas~” Sigaw niya pagkalabas niya ng kanyang apartment ng punong-puno kasiyahan. Magiliw siyang naglakad at huminto sandali sa apartment ni Ivan.
“Masyado naman akong pa-obvious kong kakatok ako at sasabihing ‘sabay na tayo.’ Baka sabihin mong miss agad kita.” Kausap niya sa pintuan ng apartment ni Ivan.
Kung isa kang taong napadaan lamang sa eksenang iyon at nakita si Maria iisipin mong napossess ito ng isang kuting at malapit na itong ipunta sa hospital.
Pero para kay Maria isa iyon sa pinakagusto niya, ang ma-possess ng pag-ibig ni Ivan. Matapos ang nangyari kagabi ay halos hindi na matigil ang sobrang pagtibok ng kanyang puso. Halos mapiga na ang teddy bear na katabi niya sa kama sa sobra niyang yakap. At halos napakasarap at napakasaya ng tulog niya.
Inlove na ba siya? Oo. Katulad ng pag-amin niya kahapon na mahal na niya ito ay nabasawan na ang kanyang iniisip. Ngayon ay kung papaano na niya aamining hindi na lang niya gusto si Ivan, kundi mahal na niya ito.
Bigla siyang nangisay sa kilig. Tuwing naaalala niya ang salitang ‘mahal na mahal na kita’ hindi niya maintindihan pero kinikilig siya na parang kinukuryente.
Pinilit niyang gisingin ang sarili sa hallucination na iyon at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ni Ivan.
“Oo, namimiss na nga kita.” Muli nyang kausap sa pintuan. Nang makarating ito ay walang kapreno-prenong kumatok sa pintuan ng binata. Masaya pa siyang kumakatok. Labas dila kita ngipin ang ngiti niya.
Sa ilang katok niya ay bumukas ang pintuan ng apartment ni Ivan at ibinuga ang isang hindi kanais nais na nilalang.
“Good Morning Iv—”
Hindi naituloy ni Maria ang kanyang sasabihin ng makita kong sino ang binuga ng pintuan sa loob. Isang dalagang mahaba ang buhok, matambok ang pisngi at kung umasta ay galing sa Englatera at dumayo sa Pinas para laitin siya.
And she know that girl.
“Oh, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?” Bigkas ng babaeng nasa harapan niya. She know that girl. Ito iyong girl na kausap ni Ivan noong hahatiran siya ng cookies, ito iyong girl na halos sabunutan niya na at hindi bibitawan hanggat hindi naaalis ang buhok nito. At siya iyong girl na halos patayin na niya sa nobela niya. Tumikham siya at tumindig ng maayos. Ayaw niyang masira ang beauty na pinaghandaan niya ng araw na ito dahil lamang sa isang babaeng bigla na lang lumabas sa apartment ni Ivan.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...