• Chapter 30 •

29 1 0
                                    

Chapter 30

Author's Note:Ito na ito, meron na akong plan sa story. YEHEY. Nabalik ko ang storyline niya. At last five chapters na lang ang nalalabi. Pramis iyan. Nagawan ko na siya ng plano kaya masasabi ko na rin ang ending niya.

*~*~*~*~*

LUMIPAS ang araw na iyon na parang nawawala na ang takot ni Maria sa future. Sinasariwa at ineenjoy na niya ang mga araw na nakakasama niya si Ivan. Ngayon narito siya sa garden malapit sa kanilang building upang magpahangin.

Nakatanggap kasi siya kani-kanina lamang ng text galing kay Francis. Natanggap na raw ang manuscript niya at ready na for printing. Natuwa siya at gusto niyang magcelebrate pero tila nawalan lang siya basta ng mood at nais niyang mapag-isa ngayong araw na ito. Tinext na rin niya si Ivan na kita na lamang sila after class nito sa lobby para sabay umuwi. Mas nauuna kasi siyang ma-dismiss kaysa sa binata.

Inangat niya ang ulo at pinagmasdan ang kalangitan. Hanggang sa napahiyaw siya dahil nakaramdam siya ng isang presensyang gumulat sa buong pagkatao niya. It was Thunder.

“Anong ginagawa mo dito?” Irita niyang tanong habang tinitignan ng masama ang binata. But Thunder is just smiling back at her.

“Dito ang lugar ko.” Ma-awtoridad na saad ni Thunder habang inaangat ang tingin sa kalangitan.

“Lugar?”  Dahil sa inis niloko niya ang binata, nagkunwari siyang naghanap ng pangalan na nakalagay sa mga upuan, puno o damo para sabihing kay Thunder nga ito. “Eh wala ka ngang pangalan dito eh. Tapos sasabihin mo lugar mo ito.”

“Basta akin ang lugar na ito, huwag ka na lang magreklamo umalis ka na lang kung gusto mo.” Malamig at walang gana nitong tinig. Tinignan tuloy siya ni Maria ng napakasama.

“Anong aalis ako? Ikaw ang dapat umalis. Wala ka namang pangalan dito para sabihing sa’yo ito.  At higit sa lahat ako ang nauna sa lugar na ito.”

“Pwede ba, tumigil ka na lang diyan. Ang ingay ingay mo.”Iritadong saad ni Thunder. Mas lalong uminit ang ulo ni Maria sa narinig. Tama nga si Ivan, kailangan niyang layuan ang taong ito. Kaya siya na ang magpaparaya. Pupunta na lang siya sa library para doon magpalipas ng oras.

Tatayo na sana siya pero bigla siyang pinigilan ng salitang binitawan ni Thunder.

“Mahal mo ba talaga si Ivan?” Thunder asked without even looking to Maria. Nagulat si Maria at nainis dahil sa tanong na iyon ni Thunder.

“Oo naman. Mahal na mahal ko siya.” Depensa niya.

“How sweet.” Sarcastic na saad ni Thunder.

“At wala ka nang pakialam doon. Hindi ka naman part ng relationship namin para mangialam.” Maria added na mas lalong naging dahilan ng pag-asar sa kanya ni Thunder. Walang alam si Maria kung bakit ganito na lamang ang namamagitan kay Thunder at Ivan na gap pero she don’t care. Kung ano man ang namamagitan o nakaraan ng dalawa better na huwag ng makiaalam si Thunder sa relasyon nila ni Ivan.

“Hindi man ako part ng relationship niyo, part naman ako ng buhay niya.” Thunder uttered. And Maria didn’t know bakit bigla na lang siyang kinabahan sa sinabing iyon ni Thunder na parang may secret behond those words na naging dahilan ng pagstutter niya. Bumuntong hininga siya, at tumingin sa binata pero bakas pa rin sa mukha ni Thunder ang nakakainsultong ngiti.

“Marami ka pang hindi alam kay Ivan. Marami ka pang hindi natutuklasan. Kawawa ka naman. Ivan was born not to be happy. He was born miserable.” Direct to the point na saad ni Thunder.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon