Chapter Seventeen:
Author's Note:Ito na ang pinakapaborito kong chapter. At dahil ito ang paborito kong chap, idededicate ko ito sa pinakapaborito kong author/blogger/writer na si RHADSON MENDOZA/ MATABANGUTAK! Grabe! Super Idol ko siya, and I know kahit hindi niya ako kilala at hindi niya binabasa itong novel ko dedicate ko parin sa kanya dahil isa siya sa mga nag-iinspired sa akin. Mula sa mga blogs niya sa tumblr, post niya sa facebook at sa kanyang libro ngayon na PAG-IBIG THINGY! Love you kuya Rhads!
P.S. Iyong naka-italicize pong part is parang imagination lang po ni Maria. Iyon lang. :))
*~*~*~
Linggo. Isang week bago dumating ang araw na pagpunta niya sa Leadership camp. Pagkatapos magsimba binigyan niya ang sarili niya ng pagkakataong magkulong sa kanyang kwarto upang paglamayan ang mga nobelang nakapending sa deadline notebook nito. At para na rin maisinggit ang babaeng kumompronta sa kanya sa conference room noong nakaraang araw. Inis na inis parin siya dito at tila nais niyang gawing isang kaawa awang nilalang na pagsasamantalahan ng sampung lalaki at sa huli ay papatayin. Napangiti siya bigla.
Magiliw naman ang daloy ng relasyon nila ng MS word at hindi rin siya nagsisisi sa hindi paglabas ng mga panahong iyon. Pero taliwas sa kapitbahay niyang halos magkaroon ng civil war sa gulo ng pag-iisip nito. Ivan is walking back and forth. Walang destinasyon. Hindi mahanap ang problema kong bakit siya ganoon. At sa sobrang inis ay itinapon niya ang sarili sa mamahaling coach na binili pa niya sa Paris, France. Umupo ng nakapatong ang dalawang paa sa center table at saka nag-iisip.
Feeling niya nakainom siya ng balde baldeng kape dahil sa sobrang active ng kanyang pag-iisip para umisip ng proproblemahin niya. Hindi siya mapakali. Kanina pa umiikot ang pangalang MARIA sa kanyang kukute.
MARIA? Anong meron sa pangalang Maria? Bakit bigla na lang itong naglalaro sa isipan niya? Gusto niya maging payapa ang mundo niya pero siya ang gumagawa ng paraan para magulo ito. Sinabunot niya ang kanyang sarili saka bumuntong hininga she stand up at pumunta sa malaki niyang ref na binili pa niya sa Greece. Kumuha siya ng carbonated water at bumalik muli sa sofa, ininom ang tubig umaasa na kapag uminom siya nito mawawash out ang pangalang MARIA sa isipan niya. Pero hindi, dahil ilang minuto matapos niyang inumin ang tubig na iyon ay bumalik ulit siya sa pag-iisip.
Ano nga bang iniisip niya sa oras na iyon? He felt something weird on his self. Nag-iisip siya ng way para yayain si Maria na mag-DATE. Hindi, hindi date iyon! Lalabas lang kami. Lalabas lang.
“Tama, lalabas lang kami. Magpaapahangin.” Monologue niya sa sarili. Nagalak pa siya ng malaman niya ang purpose kong bakit niya yayayahin na lumabas si Maria. Kaya nagpractice agad siya ng approach na pwede niyang sabihin sa dalaga.
“Pwe..pwede.. ba kitang..”Pero pakiramdam niya ay nagsasabi siya ng isang tounge twister dahil nabubulol siya sa nais niyang sabihin. Hindi niya ito ugali, ang magpakita ng effort para sa iba. Ang gumawa ng effort makasama lang ang iba. Hindi siya ito. Pero handa siyang magtransform ngayong araw na ito para lang sa ikakapayapa ng kanyang sarili, ng kanyang puso.
Tumayo siya at inulit niya ang pagprapractice. May kasama na itong hand gesture at emotion sa face. Nakokornehan siya inaamin niya pero wala siyang magawa. He needs peace. He needs world peace!
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...