CHAPTER THIRTY ONE
PANAY ang tingin ni Maria sa kanyang relong pambisig. Ngayon nasa loob siya ng taxi papunta sa lugar na pagkikitaan nila ni Francis. Alas-sais na ng nakaalis siya ng bahay, ayaw niya na rin pang magpasundo kay Francis dahil baka Makita pa sila ni Ivan. Seloso pa naman ang kumag na iyon.
Kaya’t napag-isip isip ni Maria na siya na ang pumunta sa lugar na iyon. Pumayag naman si Francis.
Ilang minute pa’y narating din sa wakas ni Maria ang restaurant kung saan sila magdidinner ni Francis. Para sa kanya isa itong friendly and scheduled dinner. Walang halong iba, dahil alam niya sa sarili niyang committed na siya at wala siyang karapatang saktan si Ivan.
“You look gorgeous.” Unang bati sa kanya ni Francis na nakaabang na sa may entrance ng mamahaling restaurant. Nahiya naman bigla ang dalaga dahl nasabihan siya ng ganoon, hindi siya sanay at higit sa lahat ang kanyang dress ay simple lamang at minsan ginagamit niya tuwing papasok.
“Pasensya ka na at medyo late ako. Napaghintay pa yata kita.” Saad niya habang pumapasok siya sa loob kasama si Francis.
“Okay lang sa akin. Handa naman akong maghintay.” Banat ng binata at sa hindi maintindihang dahilan ay uminit ang pisngi niya kahit napakalamig na sa loob.
No hindi pwede‼ Pagsasaway niya sa sarili niya dahil sa feeling na iyon. Alam niya sa sarili niyang isang kasalanan ang kiligin sa iba. Pero hindi niya ito mapigilan. Lalo na’t naging crush din naman niya itong si Francis.
Aaminin niya. Minsan hinangaan niya rin ito. Sino ba naman ang hindi hahangga sa isang napakatalino, napakasipag at napakacharming niyang soon to be boss.
“Take a seat.” Alok niya kay Maria at hindi nagtagal ay may mga waiter nang lumapit sa kanila at may hawak hawak na mga pagkain.
Biglang hindi maipinta ang nararamdaman ni Maria ng mga oras na iyon. First time niya kasi itong maranasan sa tanan ng buhay niya. Ang kasamang makadinner ang isang lalaki sa isang mamahaling restaurant tapos may special treatment pa ito.
“Baka magselos ang girl friend mo dito ha.” Pagbibiro niya habang nakatuon ang kaniyang pansin sa mga pagkain.
“Wala akong gf.” Palihim na napaimpit ng tawa si Francis habang tinitignan ang dalaga.
“Talaga? Eh Boyfriend?”
“May future ka maging isang komedyante.”
Ngumisi lamang si Maria. Gusto niyang pasalamatan ang lalaking kaharap niya ngayon dahil sa mga nakahaing masasarap na pagkain. Pero doon niya narealized kung bakit nga ba sila narito.
“Salamat talaga ha. Hindi ko lubos maisip na makakaharap ko ang mga ganitong pagkain. Matakaw pa naman ako.”
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Novela JuvenilNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...