• Chapter Twenty Three •

61 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

 Author's Note :

Hindi ko alam kong may ending pa ito. Nadadagdagan at nadadagdagan iyong chapters. Bahala na. Salamat sa pagbabasa!

~*~*~

NAGING maayos ang buhay nila Maria, Ivan at Storm. Hapon ng parehas na araw ay pinagtiyagaan nilang makinig sa seminar na kina-conduct ngayon sa prestihiyosong function hall.

The topic is about leadership. Kung papaano maging isang huwarang leader hindi lamang sa school kundi pati sa community.

Tango lang ng tango si Maria habang nakikinig sa discussion. Katabi niya si Ivan na seryoso ding nakikinig, ngunit halata sa mukha nito ang boredom.Si Storm naman ay napapagod na sa kakareklamo. Ilang oras na raw kasi silang nakikinig.

“And leadership is blah.. blah.. blah..”

“Badtrip naman oh! Anong oras ba ito matatapos.” Iritang saad ni Storm, nagreply naman si Ivan na bored na bored na rin.

“Kapag namatay ka na raw sa sobrang kaboringan doon nila ititigil.” Pagsesecond the motion ni Ivan na agad namang sinita ni Maria.

“Tumigil nga kayong dalawa diyan. Makinig na lang kayo.”

“Nakikinig ako, kahit sobrang boring na iyong speaker.” Supladong saad ni Ivan.

Hindi na umimik si Maria. Gusto pa sana niyang patulan ang dalawa ngunit nahahalata na siya ng mga iyon na hindi nakikinig sa speaker dahil sa ingay na nililikha niya. Naririnig parin niya si Storm na reklamo ng reklamo, iritang irita na raw ito dahil napapaso na ang pwet sa sobrang tagal nilang nakaupo.

Ilang oras ang lecture. Mga umabot ng alas siyete ng umaga bago mapagpasyahang tapusin na ang diskusyon. Nakahinga naman ng maluwag ang mga student leader at nang nagsabi ang emcee na dinner time na ay parang mga prisong nakawala sa selda ang mga ito. Gutom na gutom, gustong kumilos at ang iba nais matulog.

Matapos ang dinner ay agad na ring tumunggo ang ibang estudyante sa room nila para magpahinga at kabilang doon ang tatlo. Sabik na sabik naman sila na tumakbo patunggo sa room. At nang narating na ang loob ay doon lang napagtanto na tatlo lang pala ang bed. At may dalawang extra foam sa baba.

Dumating na rin iyong dalawang babaeng ka-room mate ng tatlo.

“Hi Storm!” Bati pa ni Maicy sa pagod na pagod na si Storm.

“Hi.” Walang ganang saad ni Storm. Nakatunganga lang ito sa lapag at saka siniko si Ivan na medyo wala na ring gana.

“Dito na lang tayo.” Saad ni Ivan habang tinuturo ang dalawang foam na nakalatag sa lapag.

“Tsk. ‘ba yan.” Bakas sa mukha ni Storm ang sobrang irita. Sa sobrang inis niya nabaling tuloy ang paningin niya sa nakahigang si Abi habang nakatutok ang mukha sa selpon.

“Tatabi na lang ako sa kanya.” Agad na tinapon ni Storm ang sarili sa kama ni Abi. Agad namang nandiri at the same time at binugbog ni Abi si Storm.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon