Chapter 28:
Author's Note: Huhuhu. Napakabilis ng araw, pero hindi ko parin alam ang daloy nito. Nawala na siya. Sana mapanindigan ko pa.
Napakabilis para kay Maria ang nangyari. Tama nga naman ang sinabi sa kanya ni Tine, huwag mong sayangin ang oras na ibibigay sayo ng Diyos. Hangga’t kaya mong maging matapang, sabihin mo ang totoo. Hanggat kaya mong maging masaya huwag kang maging malungkot. You only live once, at huwag mong sayanin iyon dahil malungkot ka o ayaw mong magmahal dahil nasaktan ka.
Lahat ng iyon, nilagay niya sa kanyang istorya. Kaya agad itong natapos. Ilang araw matapos ang kamping ay sinubukan niya ang lahat para matapos ang kaniyang sinusulat na nobela. Nagtagumpay naman siya.
Ngayon naglalakad siya ng buong giliw sa hallway ng Timmus. Namiss niya ang lugar na ito. At naniniwala siyang hindi na niya ito mamimiss dahil in the future dito na siya magtratrabaho. Bilib siya sa sarili niya, sa kwentong ginawa niya. Lalo na’t ang puhunan ay ang kwento nila ni Ivan.
“Good morning.” Bati pa niya sa mga nakakasalubong niyang mga empleyado.
Mas lalo din siyang naganahan noon may nakasalubong siyang isang sikat na author sa Timmus.
“Diba ikaw si Ms. Queen? Iyong nagsulat ng If ever you notice me? OMG. Pa-autograph.” Automatiko namang nilabas niya ang mahiwagang libro ng author na iyon at nagpa-autograph.
“Bukod sa sobrang talented ka, sobrang ganda mo pa.”
Ngumiti lang si Ms. Queen. Para itong isang anghel.
“Haha. Salamat.”
Matipid lang sumagot ang author na iyon. Pero okay lang. Sobrang idol naman kasi niya.
Naglakad siya after niyang makasalubong si Ms. Queen. Mas marami pa siyang nakitang ibang author. Lalo na iyong online na kakilala niyang author din sa Timmus si Ms. CEE.
“Hi Miss Cee‼” Bati niya rito ng namataan niya ito sa lobby.
“Oh hi,”
“Ako ito si Mave, iyong lagi mong kausap sa FB. Glad to meet you.”
Nakipagshake hands ito.
“So, magiging member ka na ba ng Timmus?” Saad ni Cee, isang non-fiction writer.
“Sana. Gustong gusto ko nang matrabaho dito.”
“Aba. Goodluck.” Ngumiti si Cee.
“Hihi. Saan nga pala ang opisina ng CEO? Sabi niya kasi direct kong ipapasa itong manuscript ko sa kanya.”
Sa totoo lang katext niya si Francis kanina, pero hindi man lang sinabi ni Francis sa kanya kong saan banda ang opisina nito. Kaya medyo hindi niya alam kong saan siya pupunta. Dati kasi sa Editor’s Guild siya nagpasa ng manuscript.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...