• Chapter Sixteen •

92 4 6
                                    

Chapter Sixteen:

Author’s Note: May deadline na pala itong novel na ito sa planner ko. HAHA! Kaya mamadaliin ko na siya. 20-25 chapters na lang po ang nalalabi sa The Writer’s Love Story kaya sana matapos ko na ito =) Maraming salamat po sa mga naglalagay sa RL nila at sa mga nagvovote!! Muah!! Dedicated kayATE NAYINK!! Ate nayin, pasensya na kong hindi ko nasabi sayo agad ang involvement mo sa kwento ko pero ikaw kasi iyong tipong hinahanggaan ko at syempre ang ginagalang kong author dahil sa pagbibigay saakin ng chance para maself-pub iyong oneshot ko. Maraming maraming salamat po talaga ate nayin, kaya handog ko itong chapter na ito sayo! :*

 

~*~*~

NAKASIMANGOT na pumasok si Maria at kitang kita sa kanyang mukha ang pagkatamlay. Malungkot parin siya sa nangyaring pag-isnob sa kanya ni Ivan na parang hindi siya kilala nito. Hawak hawak ang magkabilang straps ng kanyang backpack ay binagtas niya ang fourth floor kong nasaan ang kanyang room. Pero sadyang mapaglaro nga ang tadhana. Hindi niya alam na playful pala ito dahil bigla na lang silang nagkasalubong ni Ivan sa may lobby.

Biglang dumaloy ang Red blood cell, platelets at white blood cell ni Maria ng makita ang binata. Tahimik ang aura nito at nakalagay ang magpabilang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Nakaheadset din ang binata ang tahimik na naglalakad. Doon nagkaroon ng pagkakataon na magpapansin ni Maria. Iyon naman talaga ang kailangan para makabuo ng usapan sa kanilang dalawa.

Kaya agad niyang sinundan ang binata. Na agad ring nagresponse sa pagsunod nito. Huminto si Ivan, inalis ang headset at walang emosyon sa mukha na humarap sa dalagang abot hanggang spinal cord ang ngiti.

“Hello Ivan.” Masayang bati ni Maria sa binata.

“Hello mo mukha mo. Bakit mo nanaman ba ako sinusundan.” Hindi halatang patanong ang mga huling sinabi ni Ivan at para itong naiirita sa presensya ni Maria. Iniisip ni  Ivan na kung may kapangyarihan man siya tulad ni Matteo Do o ni Harry Potter matagal na niyang inilagay sa Mars ang makulit na dalagang lagi nalang bumubuntot sa kanya.

“Hindi ka parin nagbabago no, ang sungit mo parin. Pero anyways, namiss kasi kita kaya kita sinusundan. Ilang araw na rin kasi tayong hindi nagkikita.” Pagmamakaawang mungkahi ni Maria na mas lalong naging dahilan ng nakakainsultong tingin ni Ivan.

“Talaga? Namiss mo ako?!” Pananabik na tanong ni Maria na may kasamang lambing sa tono nito. Na sinuklian naman ni Ivan ng poker face na mukha. Iyong hindi natutuwa, iyong nais pumatay ng mga makukulit na bata.

“Hindi.” Diretso nitong pahayag at nasimula na ulit ilagay ang earphones sa tenga nito at naglakad, snobbing Maria’s presence.

Napasimangot ang dalaga. She needs to make an action para magkaroon sila ng mahaba-habang exposure. Kaya sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa room ng binata. Nagulat pa ang ilan sa mga kaklase ni Ivan na naroon dahil sa biglaan niyang paglitaw. At dahil din iba ang uniform niya kitang kita na taga-ibayong dagat siya galing.

Gusto niyang pumasok sa room ni Ivan pero nanatili lang siyang nasa pintuan ng classroom. Nakatingin parin ang ibang mga kaklase ni Ivan kay Maria at minsan lilingon din sila sa binata. Hanggang sa may isang lalaking sobrang ingay ang lumapit kay Maria at bigla siyang inakbayan. Nagulat pa si Maria dahil sa presensya ng binata.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon