• Chapter Twenty One •

41 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE:

 

Author’s Note: WHO LET THE DOGS OUT! Ewan, Hahaha! Ang random ko ngayong araw. Pero oo, dadagdagan ko siguro ng plus 5 chapters itong story. Basta mabigyan ko ng katarungan si Maria. At gusto ko happy lang, walang ending! Hahaha! Osya, buti ginana akong magupdate. Salamat sa mga nagbabasa! Muah! P.S. Naambonan ako, ganoon pala ang ambon na hatid ni Glenda.

 

~*~*~*~

 

DALAWANG araw makalipas ang insidenteng iyon lahat ng pupunta sa training camp ay super excited. Lahat sila inaabangan ang araw ng biyernes at nang sumapit ito hindi maipagkakait ang kagalakan ng mga student leaders. Pero hindi kay Maria.

“Ano? Hindi ka makakapunta? Bakit?” Halos sigawan na niya si Tine sa kabilang linya. Tumawag ang kaibigan nito na hindi makakapunta sa training camp.

“Eh kasi si Lola, inatake na naman ng highblood. Kailangan ulit siyang iconfined para maging maayos ulit ang sirkulasyon ng dugo niya. Eh sa susunod na araw pa ang dating ni Tita kaya ako ang magbabantay sa kanya.”

Wala naring magawa si Maria sa pahayag ng kanyang kaibigan. Gustuhin niya mang hilain ito mula sa hospital ngunit mas importante ang lola ni Tine. Napabuntong hininga na lang siya.

“Naiintindihan ko, get well soon na lang kay Lola Bina.”

“Sige.”

Ibinaba na ni Tine ang telepono. Samantalang si Maria ay hindi parin makaget-over. Gusto niyang umalis na lang sa university at hindi narin pumunta sa training camp pero bigla siyang hinarang ni Mr. Chang.

“Oh saan punta mo Ms. Aldee?”

Gusto na sana niyang sabihin na aalis na siya at hindi na sasama sa training camp ngunit biglang umurong ang dila niya ng makita kong sino ang lalaking nasa likuran ni Mr. Chang.

Si Ivan.

Biglang tumibok ng pagkabilis bilis ang puso niya. Unti-unting rumihestro ang nakaraang nangyari sa kanila. Ang pagyakap niya, ang mabilis na pagtibok ng puso niya at higit sa lahat ang katuwaang naramdaman niya. Pero hindi niya kayang humarap dito. May isang bahagi ng puso niya na nahihiya, siguro dahil sa pagiging despirida niya ng mga oras na iyon.

“Ms. Aldee..” Muli niyang narinig ang boses ni Mr. Chang na naging dahilan ng paggising niya.

“Ah, po, ano.. ahm.. wala po. Bale, pupunta po sana ako kay Ivan.” Palusot niya. Hindi niya rin alam kong bakit niya sinabi iyon. Maging si Ivan nagulat sa pahayag ni Maria.

Lumapit ang dalaga kay Ivan at inanyayahan ito na pumunta na sa quadrangle upang hintayin ang bus nila. Wala na rin siyang magawa, si Ivan lang ang kakilala niya rito.

“Anong ginagawa mo?” Pagtatanong tuloy ni Ivan sa sobrang taka.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon