• Chapter Twenty Four •

38 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

Author's Note:

Pasensya sa sobrang tagal na update. Pasensya rin kung medyo sabaw ang update. Kailangan ko ng inspirasyon. Papasa naman.

~~~

HINDI pinapansin ni Maria ang mga kasama niyang naglalakad papunta sa main site ng kanilang camp area dahil namamangha siya ngayon sa nakita niya. Isang paligid na punong puno ng nakakamanghang tanawin.

Tanawin sa ngayon ay ayaw takasan ng kanyang mata. Ang mga puno na matayog, ang mga kakaibang halaman, ang amoy ng mga dahong nabasa dahil sa fog na nabuo sa bundok na iyon. Halos ikutin na nang paningin niya ang bawat sulok ng tanawing nakikita niya.

Napansin tuloy siya ni Ivan.

“Hoy, para kang batang ngayon lang nakakita ng ganitong lugar.”

Tumingin naman si Maria kay Ivan na naka poker face. Ngunit hindi siya nagpa apekto sa sinabi ng binata. Bagkus ay ngumiti lamang ito at pinakita kung gaano ito kasayang makakita ng ganoong lugar.

“Hayaan mo lang ako Ivan. Masaya ako sa nakikita ko ngayon. Minsan lang ito.”

Pumikit si Maria at huminga ng malalim. Amoy na amoy niya ang kalikasan. Malayo sa  polusyon, malayo sa lason.

Hinayaan din ni Ivan ang dalaga matapos nitong sitain. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Hanggang sa nakarating sila sa site. Hindi ganoon kasukal ang area na narating nila. Sapat lang itong pagtayuan ng tent. May isang maliit ding wood cottage hindi kalayuan sa lugar na iyon. Doon daw matutulog ang mga opisyal sa event na ito.

Napalingon nalang ang lahat ng biglang nagsalita ang head facilitator.

“So, masaya kami dahil nakarating ang lahat ngayon dito sa pinaka-exciting na event natin. Ang camp training. Layunin ng training na ito na idevelop ang camaraderie ninyo at maging ang pagiging leadership ninyo. Ready na ba kayo?”

And the crowd make some noise. Bakas sa mga student leader na ito na ready na nga sila. Hindi lang ready kundi excited.

Bago magsimula ang laro ay ipinaliwanag muna ng speaker ang mga gagawin nila.

“Ito ang main site natin. Ang lugar na ito ay ang pagtatayuhan ninyo ng tent later on. Ang nakikita ninyong wood cottage doon ay ang pagtutulugan ng mga medics and official ng larong ito. Tatawagin ang camp training natin na adventure time slash hunger game slash the amazing race. 12 hours race. Tatlong team ang bubuuin natin. Ang tatlong team na iyon ay mag-uunahang makarating sa main flag na matatagpuan niyo sa lugar na medyo malayo sa site na ito. Hindi ganoon kadali ang hanapin at laruin ang larong ito. Kailangan niyo ng pagkakaisa bilang team, kailangan niyong maghintayan if ever na nalampasan ninyo ang isang challenge. Matira matibay. May sampo ring toll gate na naghihintay sa bawat team para sagutan o gawin ang challenge. Dapat malampasan nila iyon. Mababawasan din ang mga members ng team, sa papaanong paraan? Well, mangyayari iyon dahil may prenepare rin kaming mga pain. Ang hindi rin makagawa sa challenge sa toll gate ay maaalis. So bibigyan namin kayo ng compass later on. Ngayon muna magkakaroon tayo ng woke up activity.”

Nagpalakpakan ang mga naroon matapos nilang marinig ang sinabi ng head facilitator. Si Maria naman ay masaya at medyo kinakabahan sa pwedeng mangyari mamaya sa race. Pakiramdam niya ay bumigat bigla ang kaniyang kalooban. Na parang binagsakan ng sako sako na semento.

Bumuntong hininga na lang siya para hindi masyadong isipin ang kaniyang nararamdaman.

Bigla silang tinawag ng head facilitator at sinabi ang mechanics ng laro. Group yourself. Natuwa naman sila at the same time ay nagulat. Sinabi kasi ng head facilitator na walang matatagal if ever wala silang mapuntahan na grupo. Medyo kinabahan sila at medyo nalito.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon