Chapter 27:
Author's Note:
Masyado ko bang minadali? Okay lang iyan. Haha. Simula pa lang naman ito ng kwento ng pag-ibig ni Maria. Marami pang pwedeng mangyari. Nasa external link iyong kinanta ni Ivan. Sinubukan kong maghanap ng kaparehas ng inaasam kong boses niya. Inyong pakinggan. Salamat din kay Simsami sa pagbibigay ng kantang ito.
~**~*~*~*~*~
Nais murahin ni Maria si Ivan matapos siyang iwan nito basta basta ng hindi man lang siya pinapakinggan ng maayos. Ngayon nais niyang sunugin ang kinaroroonan niya para puntahan siya ni Ivan at nang masabi niya ang katuloy ng sinasabi niya kanina.
“Palagay ko, hindi na kita gusto.”
“Edi mabuti. Salamat naman at hindi mo na ako gusto. Diyan ka na nga.”
Naglalaro pa rin sa kukute niya ang nangyari. Matapos niyang sabihin iyong katagang iyon hindi na siya hinayaan pang magsalita.
“Geez. Bakit ba kasi ang manhid niya? Bakit ba ganon siya? Siguro may phobia siya sa pag-ibig kaya ganun na lang siya kasuplado. Baka nabasted, o di kaya iniwan. Tsk tsk. Kawawang bata, paero kahit na‼ Huwag naman sana niyang gawin sa akin iyon. ‘wag sana niya akong tapunan ng bitterness niya dahil ang sweet ko kaya. At hindi bagay sa aking nagmamahal ng totoo na tapunan lang ng bitterness.”
Nakikipagdiskusyon na siya ngayon sa sarili niya. Mag-isa na lamang siya sa cottage house kung saan siya iniwan basta ni Ivan. Alam niyang nagsimula na ang bonfire festive sa ‘di kalayuang lugar pero hindi niya lubos maisip kong papaano ang susunod niyang gagawin.
Sinubukan niyang tumalon. Pero nasaktan lang siya. Naalala niyang injured siya at namamaga ang paa. Kaya napasinghap at napaupo na lang siya.
“Kung bakit ang hirap magmahal. Hindi pala ganoon kadali. Ipapaliwanag mo ang feelings mo pero minsan tatanungin ka kong seryoso ko, minsan naman kapag sinabi mong hindi mo na siya gusto okay lang sa kanila. Tsk. Ang gulo ng buhay ko.” Sinabunutan niya ang sarili. Kung pwede niya lang talagang sunugin ang cottage house na iyon.
*****
Halos lahat ng naroon ay nagbubunyi sa natapos na palaro. Lahat sila masaya, except kay Ivan.
Napilitan siyang pumunta sa festive para magpahupa ng sama ng loob. Sa narinig niya kay Maria hindi niya aakalaing ganoon na lang ang inis niyang mararadaman. Pakiramdam niya for the second time iniwan ulit siya.
“Ang tahimik mo dude.” Out of the blue na biglaang lumitaw si Storm habang may hawak itong beer.
“Wala kang paki. Maglasing ka kong gusto mo, iwan mo kong mag-isa dito.” Kumuha siya ng juice sa may counter para inumin. HIndi siya mahilig maglasing. Ayaw niya ang lasa ng alak. Hindi kiasi siya tumutungga.
“Ang suplado mo talaga‼ Emo na nga, suplado pa. Lakas ding makaperiod no? May mens ka siguro‼”
“Shut up.” Walang ganang saad ni Ivan. Pero hindi parin siya tinigilan ni Storm.
“Asus. Bitter‼ Hindi mo tanggap na kami nanalo no. Kulelat pa kayo sa ranking. Naku.”
Pero hindi pa rin pinansin ni Ivan si Storm nagpatuloy lang siyang uminom. Pinagtitinginan na rin siya ng iba roon. To the point na kilala talaga si Storm ng mga naroon, nagtataka lang sila sa loner na si Ivan.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...