• Chapter Twelve •

97 3 2
                                    

Chapter Twelve

Author’s Note: Super dedicated ito kay zhyracabilao isa sa mga magigiting kong reader at laging nag-pe-pm saakin. Salamat sayo. Maraming salamat sa suporta at tiwala. Hope napapasaya kita lagi sa mga sulat ko. Salamat talaga.

P.S. Like niyo iyong page ko dahil madalas doon ko na iuupdate ang mga na-UD kong novels :))

***

MASAKIT at nangangalay ang balikat at likuran ni Maria ng mga sandaling bumangon siya sa kanyang kama. Tatlong oras na naman ang tulog niya dahil binantayan niya itong si Ivan na pataas pababa ang lagnat. Buti nalang pasado alas tres ng madaling araw ay  stable na ang kalagayan ng binata. Hindi niya ito pinabayaan. Ginawa niya ang lahat para bumuti ang lagay nito.

And it is okay for her, dagdag ganda points para makakuha ng lisensya. She stood up and went to the bathroom. Mabigat ang kanyang ulo dahil sa kulang na tulog. Pati sa banyo ay nakapikit parin ang mata niya habang naliligo. After the refreshments doon lang ulit siya na-energized. She needs a rest but hindi niya matukoy kong bakit ang sigla parin niya kahit papaano.

Maaga siyang pumunta sa university na may baong ngiti sa labi. Obvious naman ang dahilan ng mga ngiting iyon, kahit na noong nakita siya sa may lobby ng kaibigang si Tine ay nalaman na agad kong saan ang ngiting iyon.

“Makangiti wagas!”. Bati nito kay Maria imbis na mag-good morning. Ngumiti parin pabalik si Maria na isa ding abnormal dahil imbis na mag-good morning ay isang nakakalokong ngiti ang ginanti sa sinabi ng kaibigan.

“Oy! Mapunit iyang pisngi mo sa ngiti mo!” Asar na saad ni Tine minsan inisip rin niya hindi lahat ng ngiti ay nakakahawa, at hindi lahat ng ngiti ay nakakatuwa minsan nakakagago kaya sinita na niya ang kaibigan bago pa niya hampasin ng bag.

“Why? Is there anything wrong about my smile? Hay, you must smile so that you can gain a good vibes to start your day.” Pahayag ni Maria habang nakalutang sa kawalan. Hindi niya alam kong bakit niya nasabi ang mga iyon basta feeling niya ang sigla niya ngayon matapos ang gabing binantayan niya ang binata. Ang gabing magdamag niyang tinitigan ang mukha ng binata.

“Tang’nang yan! Pag masaya kailangang english magsalita?! Abnormalness!”. Komento naman ni Tine habang papaakyat sila ng kaibigang si Maria. Hindi niya alam kong matutuwa ba siya o maasar. Ganito pala kasi mainlove ang kaibigan niya. And yes, she knew it. Bago pa man ang lahat, alam niya ng hahantong din na maiinlove itong si Maria kay Ivan. Syempre idedeny ni Maria ang feelings niya dahil kilala niya ito. Malihim. Hindi ganoon madaldal. Minsan natatagpuan nalang niya ang pagiging madaldal ni Maria sa mga sinusulat nito.

Pinagmasdan lang ng kaibigan ni Maria itong lutang habang binabagtas ang daan papunta sa kanilang klassroom. Hindi siya makausap ng matino at parang tulala itong pinagmamasdan ang ang umukit na mukha ni Ivan sa utak. She can’t deny na para siyang nagayuma ng mukhang iyon. And she can’t deny that her heartbeat ay tulad parin kagabi. Mabilis. Iba ang daloy. At kakaiba ang tunog.

Namalayan nilang nasa palapag na sila ng building. At namalayan din ni Mariang nagsalita ang kaibigan na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti niya.

“Oy Maria, hindi naman sa gusto kitang badtripin dahil badtrip narin ako sa clown smile mo gusto ko lang tanungin kong anong balak mo sa novel at sa huling araw mo ngayon sa community service?”

Napahinto si Maria at napa-isip. Oo nga pala, last day ng community service namin ngayon ni Ivan. At wala siya.

Bigla siyang nadismaya and not looking on her friend ay bumuntong hininga siya at nagsalita.

“Hindi makakapasok si Ivan.” Mahina nitong saad. Maria know that Ivan’s health is not totally good. Eventhou bumaba ang lagnat ni Ivan ay hindi pa ito fully recovered.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon