• Chapter Three •

177 6 1
                                    

Natapos ko na rin sa wakas iyong You're Beautiful, at pakiramdam ko may kulang na ngayon sa buhay ko. HAHAHA! Andrama, ito ang update para sa araw na ito, dedicated ito sa gumawa ng cover. ANNYEONGMITCHIE gamsahabnida!!

Chapter Three:

Parang wala lang kay Maria ang init ng kapeng iniinom niya sa cafe ngayon. Tuloy tuloy niyang hinigop ang laman ng tasa habang iniisip kong papaano niya buburahin sa NSO ang pangalan ng mayabang na lalaking nakasalamuha niya kanina. Idagdag pa ang magulo niyang isipan dahil hindi man lang ito umayon ngayong kailangang kailangan niyang mag-isip.

“Anyare?” Bati naman sa kanya ng kaibigan niyang si Tine na kararating lang habang bitbit ang bag ni Maria. Hindi na kasi bumalik ang dalaga sa klase niya dahil 2 minutes before the time nang idismiss sila ni Mr. Chang, kaya nagtext nalang siya sa kaibigan na magkita sila sa cafe na malapit sa canteen. Buti nalang at nadala nito ang cellphone niya.

“Nakakainis! Naiinis ako! Sunod-sunod ang kamalasan ko this week! Badtrip!” Halos mapasabunot na sa sariling buhok si Maria at itapon ang tasang nasa harapan niya. She can’t believe na aabot ang inis niya sa ganoong paraan.

“Mukha nga. Kwento, baka may solusyon pa diyan sa problema mo.”

Humigop muna siya ng kape bago niya napagdesisyunang ikwento ang nasapit niyang kamalasan  sa kamay noong nakilala niya kaninang lalaki at kung papaano niya icoconstruct ang kwento niya ngayong nadagdag pa ang community service sa listahan. Isama na rin ang tumataas na presyo ng bilihin at mga minor subjects na feeling major.

Maigting namang pinakinggan iyon ni Tine sa pamamagitan ng tango niya ipinapakita niya ang sempatya para sa kaibigan.  Hinintay niya itong matapos at ng natapos na ito, siya naman ang bumira.

“Una sa lahat, nais kong sabihin sayo na sa susunod mag-iingat ka ng di ka napupunta sa men’s comfort room.” Asar ni Tine na hanggang ngayon ay pinipigilan niya ang sarili na matawa dahil sa kwentong kaibigan niya. Nagreklamo tuloy si Maria.

“Tine ano ba, wag ka ng mag-asar diyan. Punong puno na ng kahihiyan ang katawan ko dahil sa nangyari tapos aasarin mo pa ako.” Ngumuso tuloy siya at bumuntong hininga.

“Okay, okay. Di na. Well let’s focus na muna sa writing career mo. Anong petsa na hindi pa nasusulosyunan iyan. Kailangan lang natin mag-isip ng malaliman para makalkal ang mga ideas, at wag ka baka makatulong iyang mga dumating na problema sayo.” Pagchecheer niya sa kaibigan. Pero hindi parin niya makita dito ang sigla. Kaya nag-isip si Tine upang ma-energized itong kaibigan niya.

“Maria, smile. Andito lang ako para sayo. Tutulungan kita. Hindi kita hahayaan na  ganyan. Kaibigan mo ako Maria.” Napangiti bigla si Maria sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga bagay na iyon. Dahil feeling niya sa mga panahon na iyon ay mag-isa nalang siya at walang kasangga. Ngunit handang maglaan ang kaibigan niya ng panahon para matulungan siya.

“Let’s begin with the concept.” Panimula ni Tine and Maria let her friend lead the conversation. May tiwala siya dito at alam niyang hindi siya bibiguin nito.

“Something that is not cliche, something that iss unique, unusual and original.”

Tine jot down all the adjective that she said. Habang iniisip ang magandang kwento para sa mga words na siansabi niya. And Maria try herself to cooperate with Tine habang nakalean sa lamesa at pinapanood si Tine na nagsusulat.

“Unique, unusual and original.” Ulit niya habang nagsimula narin gumana ang kanyang kukute. Pinalalim niya ang pag-iisip saka lumingon lingon sa paligid. Ganoon din ang ginawa ng kanyang kaibigan. Well, ganito minsan ang orasyon nila kapag nagsusulat. Pumupunta sila sa mataong lugar, nagmamasid. Inoobserbahan ang mga pangyari doon makakakuha sila ng ideya.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon