Chapter TEN:
Halos hindi mapatag ang noo ni Ivan dahil sa sobrang kunot nito. Naiinis siya dahil sa umatake nanaman ang pagkachildish ng kasama niyang lunatic girl na si Maria. Busy ang dalaga na pinaglalaruan ang spray bottle na may lamang cleaning solution. Kasalukayan kasi silang nasa building ngayon at isinasagawa ang ika-apat na task -- ang paglilinis ng glass wall ng hagdanan mula first floor hanggang third floor. Na kong saan napilitan si Ivan na umapak sa isang napakataas na bahagi ng hagdan para mapunasan ang outer portion ng glass wall, habang si Maria naman ay enjoy na enjoy sa loob ng hagdaan at parang batang naglalaro ng kung anu-ano gamit ang kanyang bagong discover na laruan.
Naparolyo na lang ang mata ni Ivan at nagpatuloy sa ginagawa na naging dahilan ng pagpansin sa kanya ng makulit na si Maria kung saan napansin ng dalaga ang busangot na mukha ni Ivan.
“Oy, ngiti ka naman! Para kang nalugi.” Napasmirk nalang si Ivan sa sinabi ni Maria kaya binara niya ito.
“Hindi requirement ang pagngiti kapag nagtratrabaho.”
Napatigil si Maria at hinarang ang binata. Humakbang siya para magkapantay sila ng level ni Ivan at tinitigan ang binata. Taktika niya ito para mang-akit.
“Requirement iyan, para lahat ng mga katrabaho mo mapangiti din. Nakakagoodvibes kasi kapag nakita mong nakangiti ang isang tao,” Sa pagsasabi ni Maria ng suhestiyon niya ay napatigil si Ivan sa pagpupunas ng glass window bumuntong hininga at walang ganang tinitigan si Maria.
“Pwede ba tigilan mo ako. Gawin mo nalang iyang ginagawa mo hindi iyon nanggagambala ka pa ng ibang tao.”
At pagkatapos banggitin ang mga masusungit na linya ni Ivan ay nagpatuloy ito sa ginagawa. Siya lang at hindi kay Maria, nanatiling nakasimangot si Maria habang padabog na nagdadabog ito ng palihim. Nais niyang punasan ang mukha ni Ivan umaasa na magbago ang impresyon nito sa mukha dahil kapag nanatiling ganoon ang mukha ni Ivan naiirita siya.
Kaya’t bumuo ulit siya ng isang ingay para hindi boring ang iniikutan nilang atmosphere ngayon.
“Ivan! Bakit ba ang sungit sungit mo? Para kang lalaking laging meron. Tsk. Nakakasira sa kagwapuhan ang pagiging masungit kaya dapat ngayon palang magbagong buhay ka na.” Saad niya dito.
“Alam mo hindi ko kailangang magbago para magustuhan ng iba.” Sagot nito sa suhestiyon ni Maria na hindi tumitingin sa dalaga. Napasimangot naman si Maria. Masyadong matigas ang puso at utak nitong si Ivan para sa kanya. Sa taglay nitong kasungitan hindi niya alam kong papaano niya malalaman ang weakness ng binata.
Pero ayaw niyang sumuko! Kahit umabot pa siya sa planetang namek para mahanap ang dragon balls at tulungan siyang mahanap ang weakness point ng binata ay di parin siya susuko.
Pinagpatuloy niya ang pagpupunas ng glass wall at hindi namamalayang napalayo na sa kanya si Ivan napansin niya nalang ng malayo na ito sa kanya. Kaya naman singbilis ni Flash ay madali niyang pinunasan ang bawat madaanan niya para makaabot sa parte na nililinisan ni Ivan.
Napansin iyon ng binata at napalingon ng saglit ito kay Mariang nakangiti. At naglaho din ang ngiting iyon ng isang segundo dahil umiwas din agad si Ivan at nagpatuloy sa ginagawa.
Napasimangot si Maria at unfortunately ay nakasabi siya ng word na hindi naman niya sinasadya.
“Bakit ba ang sungit sungit mo, tsk. Minsan inisip kong pinaglihi ka sa ampalaya.” Biglang napatigil ng ura-urada si Ivan sa pagpupunas ng marainig ang hindi sinasadyang mungkahi ni Maria na naalerto din dahil hindi niya alam kong bakit bigla nalang lumabas iyon sa kanyang bunganga.
Kaya’t isinara niya ang kanyan bibig using her bare hands. Ngunit hindi na-prevent ang ginawa niya sa mas tumalim na tingin ni Ivan.
“Ampalaya?”Matikas na sabi ni Ivan habang hinahanap ang kasagutan sa sinabi ni Maria.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...