Chapter Four:
TINAHAK ni Maria ang lobby papunta sa opisina ni Mr. Chang. Unang araw nila ngayon ng Community Service sa school. Nakakaexcite na nakakatakot. Excited si Maria dahil makakasama na niya ang biktima sa modus operandi nila at natatakot dahil first time niyang sasabak sa isang Community Service na dati sa NSTP niya lang naririnig.
She took a deep breathe ng napansin niya ang isang pamilyar na mukha, nakatayo lamang sa may lobby. Napangiti siya at lumapit dito.
As usual ganoon parin ang expresyon ng mukha ng lalaking kaharap niya ngayon. Singkit na mga mata, matulin na tingin at hindi interesadong aura. Pakiramdam ni Maria kaharap niya ang pinakawalang ganang tao sa mundo.
“You’re 1 minute late.” Nagulat siya ng biglang nagsalita si Ivan at sinabi ang mga katagang iyon. She didn’t expect na una siyang iaaproach nito. Ang consistent lang na ginawa niya ay hindi parin ito tumitingin sa kanya kapag nakiki-usap.
“Wow, I didnt know na paborito mo pa lang motto ang Time is gold. Sorry.” Sabay ngiti. Iyong nakakalokong ngiti na naging dahilan ng pag-tingin sa kanya ni Ivan ng masama na parang gusto siya nitong patayin.
“Shut up.” Inis na pahayag ng lalaki saka walk-out. Napatawa na lang si Maria mababaliw na yata siya sa pangpipikon niya sa lalaking iyon. Pero hindi muna ngayon, hayaan niya munang ang lalaki ang mabaliw sa kanya para magtagumpay ang misyon nila. Sa ngayon, hindi muna niya ito aawayin o pagtritripan. Starting this time, aakitin niya na ito with all her will para matapos na ang istroyang bubuoin niya.
Sumunod na siyang pumunta sa opisina ni Mr. Chang at naabutan niya itong nakatingin sa isang papel. And when she’s there binigay niya ito sa kanya at kay Ivan. It was a list of their task for one week. Nakalagay doon ang oras, kung saan at ano ang gagawin nila. And for their first day in Community Service pupunta sila sa garden ng Department nila para magdamo. At ayaw iyon ni Maria.
Pero wala na rin siyang magagawa. Pumunta na lang sila doon at sinumulan ang trabaho. Subalit si Maria ay hindi mapakali dahil para siyang uod na sinabuyan ng asin. At si Ivan ang asin. Naiilang na hindi maintindihan ang emosyon niya at parati siyang lumilingon kong saan naroon si Ivan. Napansin tuloy siya nitong hindi maayos ang trabaho.
“Hoy, hindi ka ba marunong magdamo? Kanina ka pa diyan hindi mo pa nakakalahati.” Puna nito na may tono ng pagka-inis. Napatingin naman si Maria sa lugar ng dinadamuhan niya, tama si Ivan halos wala pa sa ¼ ang nadadamuhan niya. Hindi siya sanay sa ganitong trabaho. Marunong siya sa trabahong bahay ngunit hindi iyong magdamo.Inaamin niya, maglaba na siya o maghugas ng pinggan ‘wag lang magdamo.
“Hayaan mo lang ako dito. Matatapos din ito.” Ngiti niya kay Ivan ngunit inisnob lang siya ni Ivan. Napasimangot tuloy siya. Hindi niya maisip kong bakit ang rude ng ugali nito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama, at hindi niya macoconsider na masama iyong nangyari sa kanila noong nakaraang araw dahil aksidente lamang iyon.
Ipinagpatuloy niya ang trabaho niya pero narinig nalang niya si Ivan na napasinghap. “Wag mo munang dalhin ang pagiging maarte mo dito pwede? Nakakainis eh. Hindi natin ito matatapos agad!”
Napalingon naman siya kay Ivan na kung saan nakita niya ang itim na aura nito. Medyo nagulat siya pero inexplain niya ang dahilan kong bakit ganoon nalang siya magdamo.
“Alam mo, hindi mo ako masisisi kong ganito ako magdamo, una sa lahat writer ako. Nasa haligi ako ng sining ng pagsusulat kaya kailangan kong alagaan itong kamay ko para magamit ko pa sa aking future.”
Naparolyo naman ng mata si Ivan tila hindi niya pa rin nagustuhan ang explanation ni Maria. Bumuntong hininga na lang si Maria.
“Nakakawalang gana. Kung bakit sa dami rami ng populasyon nitong paaralan na ito ikaw pa ang nakasama ko.” Sabay tayo at alis. Nagulat naman si Maria sa ginawa ni Ivan pipigilan na sana niya ito ngunit malayo na si Ivan.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...