Sorry po sa late update na sana noong sunday pa ito. Regalo ko sa nalang ito sa inyo! Hehehe! Fighting!
CHAPTER NINE:
Hindi mapakali si Ivan at halos gusto na niyang iumpog ang ulo niya sa drafting table dahil kanina pa umiikot ang pangalan ni Maria sa utak niya. Hindi niya alam kong bakit ngunit sa tuwing nagsisimula ulit siyang gumuhit ng kanyang design ay rumerehistro ang mga nangyari noong nakaraang gabi.
Kinilabutan siya. Ayaw niyang isipin ni ayaw niyang maramdaman. Kung papaano niya hinawakan ang katawan ng dalaga para buhatin. Kung papaano niya maramdaman ang kakaibigang feeling tuwing tumitingin siya dito. Naiinis siya’t kinikilabutan. Feeling niya nandidiri siya sa sarili niya.
Dahil doon hindi niya namamalayang naputol ang hinahawakan niyang staedtler pencil na ginagamit niya sa pag-sketch. Nagulat naman si Andrew kasalukuyan niyag katabi. Napalingon ang kaibigan at tinanong ang kaibigan.
“Dude are you okay?”. Bahagya itong napatingin sa kawawang lapis na naputol into two. At noong dinako ni Andrew ang tingin sa kaibigan bakas doon ang galit at inis na hindi maipapaliwanag ninuman.
Kaya hindi na niya kinulit pa ang kaibigang si Ivan. Hinayaan niya lang itong magpatuloy sa binubuo nitong inis sa sarili. Hanggang sa napansin si Ivan ng instructor doon napahinto sa pagturo ang naturang professor at tumungo sa lugar na kinakaupuan ni Ivan at naghahanda itong mapagalitan ang hindi nakikinig na binata.
“What are you doing!? Kalagitnaan na ng klase natin pero wala ka paring draft for your design! Look Ivan, we have a serious business here tapos kong anu-ano ginagawa mo diyan!?” Matinis na boses ng professor niya sa drafting class. Nais niya sanang sumpain ang instructor na nasa harapan niya dhail dumadagdag sa inis niya ngunit bumuntong hininga nalang siya at umiwas ng tingin hindi na siya nagpakita pa nang kahit anong pagtutol.
Doon mas lalong nainis ang professor niya kaya’t namewang ito at nagbabantang pagalitan si Ivan.
“Two designs! Submit it Wednesday next week!” Halos mayanig ang buong klassroom ng mga oras na iyon. Wala narin siyang magagawa. Tumayo nalang siya nang magdismiss ang professor at magbabadyang pumunta sa isang payapang lugar sa kanilang campus. Gusto niya munang mapag-isa at matulog. Nais niyang ikondisyon ang sarili niya.
Pero napatigil na lang siya ng tiwanag siya ng kaniyang mga kaibigan. Gusto na sana niyang umalis at hindi sila pansinin pero napatigil siya ng wala sa oras dahil sa narinig.
“Dude, si Louise! Balita ko mag-tratransfer dito sa department natin next week!?” Ani ni Kevin na pa-cool na inanounce iyon sa harapan ni Ivan. Hindi naman naka-imik si Ivan at wala siyang interes para umimik. Una sa lahat hindi siya interesado, pangalawa ay ayaw niyang marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Pero he keeps in waiting for what his friends will tell about Louise.
“Bakit kaya nagtransfer si Louise!? Eh diba maganda ang tourism para sa kanya. Matangkad. Maputi. Sexy! At maganda!” Pagpapatuloy na puri ni Kevin na mas lalong kinainis ni Ivan dahil lahat ng tingin ng mga nag-uusap kay Louise ay pumunta sa kanya.
Inirolyo nalang ni Ivan ang kanyang mga mata at nilagpasan ang mga iyon. Paglabas niya ng pinto ang akala niyang mapayapang buhay ay makakamit na niya ay isa lamang akala. Dahil biglang sumulpot sa harapan niya ang center of discussion kanina, na si Louise.
Tumingin lang si Ivan sa babaeng nakawide smile sa kanya. Hindi interesado at walang paki-alam ang iginanti niya rito.
“Hi Vincent Ivan!” Bating magiliw ni Louise. Hindi naman umimik si Ivan at mas lalong tumalas ang tingin nito. Napansin iyon ni Louise kaya binawi niya kaagad ang ugaling ipinakita niya kanina. Kilala ni Louise si Ivan. Bata pa lang sila ng magkaroon ng isang kasunduan ang mga magulang ng bawat isa. Kilala ang pamilya ni Louise dahil sa hawak nila ang isa sa mga airlines na nagseserbisyo sa bansa. Kaya’t noong bata pa lamang sila pinangarap na ng mga magulang nila na sila ang magkatuluyan ni Ivan. Louise doesn’t like it Ivan either. Pakiramdam nila ay masyado na silang hinawakan sa leeg kaya kapag pumupunta ang pamilya ni Louise sa isang gathering with Ivan’s family ay laging pinag-uusapan ang kasal nila kapg 18 years old na sila.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...