• Chapter Thirty Five •

46 2 0
                                    

 

CHAPTER THIRTY FIVE

 

NAMAMAGA pa rin ang mata ni Maria sa kakaiyak kagabi. Anong nangyari? Wala. Trip niya lang mag-drama matapos masilayan ang binata. Matapos ang nakakahiyang eksena niya sa wedding reception na kanyang pupuntahan ay hindi na niya muling nasilayan ito.

 

Unti-unti niyang inangat ang kanyang katawan para bumangon. Ano na nga palang araw? Sabado. Wala siyang pasok sa Timmus. Day-off kuno niya na sa totoo lang ay nagpaalam siya kay Francis matapos ang wedding neto na magpapahinga ng dalawang araw. Gusto niyang maayos ang lahat. Ang kanyang sarili, puso, at utak. Kung papasok siya na sabog malamang ay sabog din ang kanyang trabaho.

 

She wanted to escape from reality. Kaya naman nagmadali siyang nag-ayos at mangangakong pupunta sa isang event sa mall na malapit lang sa condominium niya. Pero bigla na lang siyang inalarma ng isang tawag. And it was her boss.

 

“Hello. I told you naman na day off ko ngayon.” Pagrereklamo niya. Napatawa lang naman sa kabilang linya ang kausap niya.

 

“I know right. Pero hindi ko kasalanang makulit iyong kliyente natin na magpapa-edit ng libro niya.” Francis told.

 

Napapikit na lang sa inis si Maria. “Alam mo bang nakabihis na ako, at papunta sa isang event sa timog?” She proclaimed.

 

Pero a sudden a punched of silence ang nagyanig sa kabilang linya.

 

“Kaya sabihin mo sa kliyente mong sa martes na lang.” Iyon ang huli niyang sinabi bago sabihin ni Francis ang nagpayanig sa buong sistema niya.

 

“Within 5 minutes nasa doorstep mo na siya.”

 

“What??” Halos sabunutan na niya ang sarili sa narinig. Bakit ganoon kapraning ang kliyente na iyon at tila sisirain pa yata niya ang pagliliwaliw nito.

 

“Yeah, so goodluck. Bye.” At tanging dial tone na lang ang narinig ni Maria sa telepono nito. Wala na. Sira na ang plano niya. Sinira iyon ng kliyenteng makulit.

 

Makakatikim sa akin iyon ng uppercut. Sambit niya habang nagmamaktol na naglalakad papunta sa closet niya. Wala. Walang makakapigil sa kanya. She need to escape within 5 minutes para hindi siya maabutan ng kliyente. Bahala na kung masabon siya ni Francis sa martes.

 

Pero pagbukas niya ng pintuan ng unit niya ay ang pagtunong ng kanyang doorbell at pagrigodon ng kanyang puso.

 

Standing infront of her was the best guy ever. The man that she loved before, and yes she accept the fact na hanggang ngayon mahal niya pa rin ito.

 

Ilang minuto siyang napatitig sa lalaking nasa harapan niya. No converstation at all. Basta nakatingin lang sila sa isa’t isa. Hanggang sa ngumiti si Ivan at siya ang bumasag sa kahibangan ni Maria.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon