•Chapter 34 •

35 2 0
                                    

Chapter Thirty Four:

 

NAKATANGA ng mga oras na ‘yon si Maria sa kanyang desk habang hawak-hawak ang isang wedding invitation na natanggap niya kanina kay Francis. Ikakasal na ito. Buti pa siya, ani sa sarili. Hindi niya aakalain sa ganoong timpla ng ugali ni Francis ay ikakasal na agad ito sa napamamalitaang isang sikat na model sa France. Filipina din ito kaya umayon ang pamilya ni Francis sa pagpapakasal.

 

Pumikit ng saglit si Maria, hindi niya sure kong pupunta siya. Bukod sa madami pa siyang event na pupuntahan ay may isang tao na alam niyang makikita niya doon, pero ayaw niyang makita. Gustuhin man niya pero hindi pwede.

 

Sinabunot na lang niya ang kanyang buhok saka inilapag ang invitation sa lamesa. Hindi maganda sa kanyang buhay kong masyado nanaman niyang ilulugmok ang sarili niya sa pag-iisip dahil marami pa siyang dapat tapusin.

 

Tumayo siya saka tumunggo sa labas ng establishment na pinagtratrabahuan niya.

 

Hindi kalayuan ang Kaffa Cafe sa Timmus. Kaya ito ang nagustuhan niya dahil malaya niyang ginagahasa ang mga produkto roon. Pumunta siya sa counter at umorder.

 

“Black jelly coffee.” Maiksi niyang saad habang nakafocus ang paningin niya sa kanyang wallet dahil kumukuha siya ng perang pambayad.

 

“Medyo mapait yata ang trip niyo ngayon ma’am ah.” Saad naman ng crew na nakatuka doon. Sa totoo lang, kilala na siya ng mga crew na nagtratrabaho sa naturang coffee shop. Dahil lagi siya dito.

 

“Gusto ko lang marelax.”

 

Weird ding isipin si Maria ng mga employees dito dahil sa mga inoorder niya na nakadepende sa mood niya. But she really don’t damn care with them dahil nagbabayad naman siya kaya’t kung ano ang oorderin nito ay wala na sa kanila.

 

Matapos mag-order ay humanap siya ng mauupuan. Dahil hindi ganoon kadami ang tao sa lugar na iyon ay nagkaroon siya ng mabilisang spot para magmuni-muni pero hindi yata siya makakapagmuni-muni ngayon.

 

Because bigla na lang tumunog ang bell na nakalagay sa pintuan. Napatingin siya doon at kilala niya kung sino ang pumasok.

 

“Storm.” Mapait niyang sabi habang pinagkakaguluhan siya ng mga babae kanina ay tahimik lang.

 

Ilang taon na rin ang lumipas. Maraming nangyari at maraming nabago. Mula sa pagpili niya ng isang desisyong hanggang ngayon ay balakid sa kanyang puso.

 

Bukod sa takbo ng buhay niya ay marami ding nabago sa takbo ng buhay ng iba. Isa na riyan itong si Storm. Matapos itong magtapos ay hindi na ito kumuha pa ng board exam for his license. Nagulat na lang ito na artista na ito sa isang sikat na network. Pamodel model at paacting acting. Nakuha rin ang isa sa mga gawa niya para gawing movie, at si Storm ang bida.

 

Si Thunder naman, na kapatid ni Storm ay isa na ngayong mayaman na architect. At sa wakas sa ilang taong pinagdaanan niya ay nabago ang pananaw niya kay Thunder. Si Thunder na ngayon ang umaalalay sa kanya at nag-aalaga.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon