Chapter Twenty Two
“MARIA, anong name noong guy na nakablue?” Pangungulit ni Maicy kay Maria habang naghahanda ito sa mini tour niya with the two guys. Nasa baba na sina Ivan at Storm, napagdesisyonan niyang magpahuli sandali dahil mag-aayos lang siya. Isa ring dahilan kong bakit hindi siya maka-alis alis dahil nangungulit itong si Maicy tungkol kay Storm.
“Storm.” Maiksi kong sagot habang kinukuha ko ang aking sling bag.
“Storm? Wow. Ang ganda ng pangalan. Nakakainlove.” At medyo kinilig pa si Maicy doon. Medyo hindi narin pinansin ni Maria ang malanding kilig ni Maicy at nagpaalam na siya. Pagkarating niya sa lobby ay nakita niya si Ivan na nakabusangot habang nakangiti naman itong si Storm.
“Ang kupad mo talagang gumalaw kahit kailan.” Side comment ni Ivan habang aalis na sila sa lobby.
Napanguso na lang si Maria. Paglabas nila ng hotel ay napaisip si Maria kung safe ba siya sa pagsama niya sa dalawang lalaking ito.
Naisip niya bigla na baka plano ito ni Storm na maghihiganti ito mula sa naranasan niya kanina. At sumangayon na lang si Ivan dahil maghihiganti rin ito dahil sa picture. Napalunok siya bigla at nilingon ang dalawang lalaki. Gusto na niyang umalis at bumalik na lang sa room niya ngunit hindi niya ito nagawa dahil bigla siyang hinila ni Storm sa braso na naging dahilan ng paglapit niya dito.
“Maria, may dala ka bang kamera?” Excited na saad nito. Masayahin at tila sabik sa bagong lugar si Storm.
Tumango naman si Maria, hindi alam kong babatukan niya ang sarili niya dahil sa naglilipanang akusasyon na pwedeng gawin sa kanya ng dalawa.
Pero no choice na rin siya. Hinawakan ni Storm ang magkabilang balikat ni Maria at nagsimulang igawi sa kanilang first destination.
Maraming salamat sa mga signage na tumulong sa kanilang tatlo para puntahan ang mga magagandang lugar sa loob ng hotel resort.
Una nilang natahak ang lugar kong saan may isang malaking pool na punong puno ng iba’t ibang klase ng isda. Agad na namangha si Maria.
“Wow! Grabe! Hindi ko akalaing may ganito pala dito. Ang ganda!” Parang isang batang nakakita ng napakagandang barbie itong si Maria. Pinabayaan niya ang dalawa at hinayaan niyang bigyan ng kalayaan ang sarili para maka-explore.
Masaya siyang nilabas ang kamera upang kuhanan ng larawan ang magagandang isdang lumalanggoy sa pond. Nakaisip tuloy siya ng scoop para sa kanyang kwento. Idagdag narin ang napaka-romantic na lugar.
May bridge din silang nadaanan na hindi naman kataasan ang agwat sa pond. Ang pond na kung saan naglalaman ng iba’t ibang klaseng isda. Kaya kumuha ng sobrang daming picture si maria.
Napansin naman ni Storm si Maria sa pagkamangha nito sa lugar kaya nangahas na mangulit.
“Puro na lang iyang lugar ang pinipicturan mo, try mo rin kayang picturan iyang sarili mo kasama ang lugar.” Mungkahi ni Storm na bahagyang napangiti. Isang inosenteng ngiti. Napapayag naman ni Storm ang dalaga kaya binigay nito ang camera sa excited na magpicture na si Storm.
“Oh, wacky naman!” Si Storm na ang may hawak ng camera at nagsimula na itong maging isang photographer.
Ngayon hindi na lamang ang scenery ang pwedeng picturan ni Maria, kundi ang sarili nito kasama ang paligid.
Nagmamasid lang naman si Ivan sa nangyayaring photoshoot ng dalawa hanggang sa sinali na siya ni Storm.
“Hoy Ivan! Samahan mo rin si Maria. Puro siya na lang ang lamang ng camera at model!” pagyaya nito.
“Ayokong sumali sa kalokohan niyo.” As usual masungit na sabi ni Ivan.
“Sauce! Denial! Hampasin kita ng tsinelas diyan eh!”
Umirap na lang si Ivan sa sinabi ni Storm ngunit makulit ngang tao si Storm at walang makakapigil sa gusto niya kaya hinila niya parin si Ivan para tumabi kay Maria at magpapicture.
Awkward para sa dalawa ang pangyayaring iyon. Nagpapakiramdaman pa ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulyap. Hindi maipagkakailang kinakabahan si Maria sa pangyayari samantalang si Ivan naman ay hindi sanay. Although sinabi pa niya kay Storm na okay na iyong mga pictures na tinake nito kanina pero hindi nakinig si Storm. Hanggang sa pinatabi ng husto ni Storm si Ivan kay Maria. At nagtake ulit ng shot.
“Ano ba iyan! Para namn kayong hindi naglalandian kanina sa bus! I feel niyo namang super friends kayo para maayos ang lumabas sa picture!” Pagrereklamo ni Storm.
Maria was hopeless. She feel exhausted. Parang may isang bagay na pumipigil sa hininga niya dahil sa kilig. Hindi niya matukoy kong papaano maging normal para hindi mahalata ni Ivan.
Pero wala na rin siyang magagawa. All of the sudden, nakaramdam siya ng pagshutdown ng buong sistema niya at parang binuhasan siya ng semento dahil sa pag-akbay sa kanya ni Ivan. Kaya gulat ang expresyon niya sa imaheng mabubuo sa camera.
After magtake ng several photos ay nagpunta na ulit sila sa ibang lugar. Tahimik lang si Maria habang pinapakiramdaman ang sarili dahil sa nangyari kanina. Tahimik din siyang sumusunod sa dalawang naglalakad na lalaki. Nagulat na lang siya ng biglang sumigaw si Storm dahil sa nakita.
“AHHH! Ang laking unggoy! Grabe!”
Napasinghap rin si Maria ng makita ang sinasabi ni Storm. Noong una ang akala niya ay totoong unggoy pero replica lang pala ito. Sobrang dambuhala nito na halos titingala ka makita lamang ang ulo. Marami ring tao ang dumadagsa sa naturang unggoy na iyon para magpapicture. At dahil naroon narin silang tatlo iyon na rin ang purpose nila, ang suminggit para magpapicture sa malaking unggoy.
Halos hindi naman mawari na bigla na lang tumakbo si Storm papunta sa unggoy para magpapicture. Nakipagsiksikan at halos manakit na sa sobrang excited na makapagpicture kasama ang huwarang unggoy. Nainis pa siya dahil ang bagal ng inutusan niyang si Ivan na magtatake ng photo.
“BILISAN MO! OR ELSE! YOU WILL DIE!!” Paguutos nito habang nakakapit ang buong katawan niya sa paa ng unggoy.
Tawa naman ng tawa si Maria habang pinagmamasdan ang dalawa, hindi maalis sa mukha niya ang ngiti.
Sobrang saya ng oras na iyon para sa kanya. Hindi niya maipagkakaila na isa iyon sa mga pinaka-memorable na araw. Kaya noong bumalik sila sa room ay agad niyang binackup sa laptop niya ang mga picture. At habang binaback up niya, isang larawan ang kumiliti sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...