KATAPUSAN

52 2 0
                                    

FINAL CHAPTER

 

MAS pinili ni Maria ang white roses kesa red. Kaya ito na lang ang binili niya sa flowershop. Papunta siya ngayon sa sementeryo. Para dalawin ang isa sa mga importanteng tao sa buhay niya.

 

Bitter sweet iyon ang nararamdaman niya habang tinitignan ang white roses.

 

“Bakit hindi mo agad sinabi. Edi sana hinanap agad kita at pinatawad.” Kausap niya dito. Nababaliw na siya pero ayos lang. Heto ulit siya, haharapin kong ano man ang binigay sa kanyang pagsubok. Napapikit siya habang narito ngayon sa isang mahabang bridge papunta sa lugar na bibisitahin niya. Napalingon siya sa labas nakita niya ang papalubog na araw. Hininto niya.

 

Nais niyang pagmasdan ito. Kaya pinark niya muna sa may sideway para tignan ang lumulubog na araw. Habang nilalaro ng kanyang mata ang kulay ng langit na binubugaan ng kulay ng araw. Pumikit siya. Inalala ang lahat.

 

*********

FLASH BACK

Rinig na rinig niya ang busina ng mga sasakyan. Agad siyang lumingon. Wala na si Ivan. Kaya agad siyang tumakbo sa di kalayuang pagbubundol ng mga sasakyan. Nakita niya roon na may ilang naiinis, may mga nagmumura pero nakalipas ng ilang minuto nagsimula ulit silang magmaneho. Hinanap niya si Ivan.

 

Wala pa rin.

 

“Ivan‼” She tried to shout para hanapin si Ivan wala pa rin. Hanggang sa na-clear ang kalsada at doon niya napansing nasa kabilang linya na si Ivan. Nakatingin sa kanya, umiiyak, putla ang mukha, malungkot.

 

Agad siyang tumakbo at hindi inisip ang mga sasakyan.

 

Pagkarating niya agad niyang niyakap ang binata.

 

“Bwisit ka. Akala ko.. akala ko..” Hindi niya mapigilang maiyak. Hindi niya mapigilang maluha. Hanggang sa humagolhol na siya sa sakit. Sakit na hindi pa rin niya malunasan. Iyon ay ang sakit na ayaw niyang mawala sa kanya si Ivan.

 

“Bwisit ka.” Sa sobrang inis ay pinagsusuntok niya ang dibdib ni Ivan. Ngunit gumanti si Ivan ng isang yakap. Ilang mnuto iyon at pinatahan niya si Maria.

 

“Tama na Maria, andito na ako. Bigyan mo ulit ako ng ilang oras sa buhay mo. Para makasama kita. Kahit ilang minuto lang, hindi, araw. Bigyan mo ko ng ilang araw. Miss na miss na kita.”

Mas lalong napaiyak doon si Maria. Hearing those words coming from Ivan make her more safe and loved. Aaminin niyang mahal pa rin niya ang lalaking ito.

 

“Maria…” Bumigat ang yakap ni Ivan, humigpit pero ilang sandali pa’y lumuwag. Hanggang sa hindi maintinidihan ni Maria ay bumagsak ang binata. Wala itong malay.

 

Naguluhan siya pero pinakalma ang sarili. Tumawag ng ambulansya. Pinunta agad si Ivan sa emergency room. Palakad lakad siya ng pabalik dahil hindi mapakali. ANg bilis ng pangyaayri. Kanina lang ay okay na sila. Ano nanaman ba itong trip ni tadhana sa kanya?

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon