CHAPTER SIX:
MASAYANG nilasap ni Maria ang hangin sa balcony ng bago niyang tirahan. Alas Sais na ng umaga at pakiramdam niya hindi siya napagod sa paglilipat. Hindi narin siya nahirapan dito dahil kunti lang ang gamit niya at dahil excited siya na maging kapit-bahay ang bibiktimahin niya. Alas singko ay lumayas na siya sa naunang apartment na tinutuluyan niya at halos magmakaawa ang kanyang landlady na huwag na itong umalis pa.
Ngunit buo na ang kanyang desisyon. Nag-inat inat muna siya bago niya napagdesisyunang bumaba. Sakto naman na naratnan niya itong nagchecheck ng mails sa mailbox Upang makagawa ng pansin ay pasimple siyang nag-inat sa harapan ng bahay nito. And that time Ivan notice the annoying movement from his surrounding and when he looked from his right side nakita niya ang isang pamilyar na babaeng nag-eenjoy sa pag-iinat nito.
“What are you doing here?!” Bigla siyang napasigaw at napasinghap sa gulat. Agad niyang pinuna ang babaeng feel na feel ang yoga stretching.
Confident at nakangiti namang tumingin si Maria.
“Me? Doing here? This is my apartment.” Sabay turo sa bahay nito. Napanganga nalang sa gulat si Ivan ngunit napalitan din ito ng inis sa personal nitong dahilan at ayaw nitong i-share.
Kaya umalis nalang ito sa kinakatayuan niya and went inside of his apartment. Ngunit gumawa si Maria ng paraan para hindi siya mukhang isnob sa ganoong lagay.
“Teka, ‘di mo man lang ba ako iwewelcome? Winelcome ako ng isa nating kapit-bahay dito. Tapos ikaw hindi mo man lang ako batiin, kahit good morning lang.” Pangungulit nito. Alam ni Maria na maiinis at mababadtrip lamang si Ivan sa mga sinabi niya kaya mas lalo siyang matutuwa.
“Welcome? Ikaw? Tsk. Hindi ka welcome dito. At higit sa lahat hindi maganda ang araw ko dahil sinimulan mo.” Dahil sa inis ay sinara ni Ivan ng napakalakas ang pintuan na naging dahilan ng pagngiti ni Maria. Sa wakas! Makakabawi narin ako sa oras na pinahiya mo ako’t dinedma. Monologue nito sa sarili habang tumakbo na sa loob ng bahay para maghanda.
Sisimulan niya ang araw na ito sa pag-iinis kay Ivan. Makikisabay siya sa pagpasok. Na well, alam niyang tatanggihan ni Ivan pero itratry niya parin ang best niya dahil hindi niya susukuan ang lalaking naging dahilan kong bakit siya determinado ngayon.
Habang nagshoshower natutuwa siya sa mga nangyayari. Hindi niya mapigilang hindi matuwa dahil napakaganda ng bago niyang unit at kapitbahay pa niya si Ivan, she keeps in smiling evilly. Nagbihis siya at nagpaganda. Hanggang sa hinintay niya si Ivan sa labas ng bahay nito. Nanghimasok siya ng di man lang nagpapaalam. Kaya magulat gulat nalang si Ivan na nadatnan niya ang dalaga na nakaupo sa bench na naroon na naging dahilan ng bahagya niyang pagmumura.
“WHAT!” Sigaw nito sa nakasitting pretty na si Maria.
“Sasabay ako sayo.” Magiliw nitong pahayag.
“Anong karapatan mo para sumabay saakin!?” Nagsmirk si Ivan at nagbigay ng napaka-insultong expresyon.
“Kasi magkaparehas tayo ng school na pinapasukan at kasi iisa lang ang building natin.” Explain ni Maria ngunit ang akala niyang nakikinig sa kanyang eksplenasyon ay nagsimula ng lisanin ang lugar na kinakalagyan niya at hindi man lang nagpaalam dito. Kaya sumunod si Maria sa hindi pa nakakalayong si Ivan at kahit hindi siya kinakausap ng binata gumawa parin si Maria ng paraan para mag-ingay.
“Ganito pala lagi ang buhay mo. Pasok sa school. Aral, uwi, stay sa house. Wala ka bang social life?”
Diretso parin ang tingin ni Ivan ni hindi ito nagtangkang lingunin si Maria.
Nagpatuloy parin ang pagsasalita ni Maria kahit nagmumukha na siyang tanga dahil wala man lang siyang marinig na feedback kay Ivan.
“At nakakapagtaka na mag-isa mo lang sa apartment mo. Eh ang laki laki noon, pwede na yatang tumira ang dalawang pamilya doon eh. Tapos ikaw sinosolo mo. Mayaman ka rin siguro no? Siguro anak--” Biglang huminto si Ivan na naging dahilan din ng paghinto ni Maria. Hinarap siya nito ng matulin na tingin.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...