CHAPTER TEN:
Author’s Note: Masaya ako ngayong araw na ito, dahil sa isang dahilan. I found myself na nagbabasa ulit ng isang novel sa wattpad. Hihihii! And dedicated ito sa nag-iisa kong HANEHMEHLAAABSOSUWET! Pilosopotasya! Siya iyong may pakana kong bakit ako nababaliw kay Lyle ngayon. Nasa external link iyong novel niya na naging dahilan ng pagbabasa ko ngayong araw na ito. Ang ganda at ang galing niyang writer! Peksman, mapa-ibig ko man si Lyle saakin! <3
Salamat po sa mga nagbabasa nitong story na ito.
Ilang oras tumagal ang ulan at ilang oras din hindi namamalayang nakatulog pala si Maria. At dahil sa liwanag ng ilaw na binuga ng building na kinakaupuan niya ngayon ay nagising siya bigla. Bumalik na ang kuryente matapos ang ilang oras ding pagbuhos ng ulan. Ikinondisyon muna ni Maria ang sarili na tila nangawit sa pagtulog ng nakaupo. Doon niya na-realize sa kanyang pag-iinat ay napansin niya ang binatang niyayakap ang sarili habang nakahiga sa sahig.
Nagulat siya at hindi agad nakagalaw. Inalala niya ang nakaraang nangyari. Oo nga pala, nawalan ng kuryente kanina at dahil sa weirdong kinikilos ni Ivan ay naghanap sila ng lugar na pwedeng pagupuan. Pero hindi niya maisip na matutulog ang binata sa isang napakalamig na sahig. At hindi rin siya papayag doon. Her prince must be treated as a prince kaya bago pa man ang lahat ay nilapitan na ni Maria ang tulog na tulog na si Ivan.
Pinagmasdan niya ito at hindi muna ginalaw. Parang inoobserbahan niya ito na baka pagkahawak niya o pag ginising niya ito ay bigla siyang pagsusungaban. Naniniwala kasi siya sa kasabihang lokohin mo na ang lasing, huwag lang ang ayaw magising.
Kaya maingat, sobrang ingat. Iyong pakiramdam na halos galaw niya ay naka-monitored dahil ayaw niyang magising si Ivan. She squatted infront of Ivan and let her eyes observed. Na hindi niya namamalayang nabibighani siya sa pagmamasid nito.
She was looking like Ivan’s figure was painted or sculpted by a famous artist. It’s white complex, manly lips and nice eyelashes. Now, she wanted to ask herself about what she’s thinking right now.
Bakit niya dinedescribe ang pigura ni Ivan na walang halong lait? Bakit habang tumatagal ang titig niya ay parang nais niya itong ariin at lagyan ng markang ‘MARIA’S PRIVATE PROPERTY’ sa buong katawan ng lalaki? At higit sa lahat bakit niya tinatanong iyon? Bakit siya nagiging madamot? Bakit kailangan niyang ariin ang isang lalaki na sa huli ay iiwan niya rin lang?
Bakit?
Namalayan ni Maria na nahulog na siya sa patibong. Lumakas ng kabog ng puso niya at hindi normal ang heartbeat nito. At kahit ilang buntong hininga ang ginawa niya ay hindi parin naalis ang rumaragasang pagrigodon ng kanyang puso.
“Maria..Inhale..Exhale.. Hindi pwede.” Utos niya sa sarili. May batas siyang sinusunod ngayon. Iyong batas na iyon ay ang magiging dahilan ng kasikatan niya. Pa-ibigin si Ivan at hindi siya. Bumuntong hininga ulit siya at doon niya namalayan ang pagkilos ng binata sa pagkakahiga nito. Naalerto siya at hindi alam ang gagawin.
“Ivan..” She silently uttered at ang hinihintay nitong pagdilat ng binata ay hindi nangyari. Medyo magulo niyang pinagmasdan ang binata dahil sa kumunot nitong noo at hindi maintindihang kalagayan.
Kaya’t napahawak na siya sa binata at doon niya napansin ang sobrang init na temperatura ni Ivan. Mas lalo siyang nagpanic at hindi alam ang gagawin. Ivan’s body temperature was too high at sa tantya niya ay nilalagnat ito.
So she picked him up. Inalalayan niya itong umupo at para narin madala sa hospital. Pero bigla ding natauhan si Ivan at pumalag ito.
“What are you doing?”
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...