CHAPTER FIFTEEN
Author’s Note: Super babawi ako sa inyo mga guy! Ilang araw na naman ay pasukan na namin. Hindi parin nawawala ang ubo ko. Hays.
Dedicated ito kay Samelyn! Na talagang kinukulit na akong mag-update dahil sa inaabangan talaga niya ang bawat mangyayari sa kwentong ito. Salamat!!
Oi, don’t forget parin na ilike ang page ni Maria para happy!Nasa external link iyong FB PAGE NIYA!
MAALINSANGANG panahon ang sumalubong sa lunes. At halos gustong sabuyan ni Maria ang sarili ng nagyeyelong tubig dahil sa init. Summer na nanaman. At napakabilis ng oras. Mabilis na nalagay ang mga petsa ng pebrero at ngayon ay marso na. Malapit naring malagas ang mga araw na nasa ikatlong taon si Maria sa kolehiyo. Malapit na siyang grumadweyt.
And speaking of graduate, ay gragraduate siya ngayong araw na ito sa Diamond. Dahil tapos na ang kanyang kontrata ay nagsagawa ang Diamond Publishing ng isang farewell program para kay Maria at para narin sa book signing ng mga bagong writer ng publication.
Masaya naman si Maria dahil kahit na mawawala siya may mga tao din darating sa Diamond papalit sa lugar na iiwan niya.
Napatingin na lang siya sa body mirror na nasa harapan niya. Inayos niya ang kanyang sarili. Okay na siguro iyong simpleng polo shirt na nakatuck-in sa isang hindi kahabaang pink na palda. Sakto lang kung titignan.
Mabilis siyang nakarecover sa nakaraang pangyayari. Maayos na siya at magaling na ang kanan niyang paa. Wala ng bakas ng kung anong aksidente o sakit sa katawan niya. Ikinasaya naman niya iyon although merong 45% sa kanyang sarili na nagsasabing malungkot siya’t hindi maayos.
Dahil hindi parin niya nakikita si Ivan. Hindi niya alam at mas lalong naguguluhan siya dahil ganoon na lamang ang kanyang lungkot na nararamdaman. Hindi kaya bumagsak na talaga siya sa theory na iniisip niya noong mga panahong bago siya mahulog?
Inaamin niyang gusto niya si Ivan. She also admit na nahulog siya sa charms nito kahit laging masungit. Pero hindi parin niya maamin kong bakit siya nagkakaganoon.
Ilang besis niya ring tinangkang guluhin ang buhay ni Ivan this past few days. Kumatok siya sa pintuan ng bahay ni Ivan o minsan ay gumagawa ng paraan para makapag-ingay pero wala. Walang lumabas na Ivan.
Sumimangot siya at doon nakita niya ang sarili sa body mirror.
“Hindi ako pwedeng maging malungkot.” Utos niya sa sarili. Araw niya ngayon. Dapat maging masaya siya dahil araw niya ito ngayon. Hindi siya pwedeng sumimangot. Hindi pwede.
Tumalon talon siya para matauhan. Hanggang sa nakarinig siya ng busina ng isang sasakyan. Noong una iniisip niyang sa ibang bahay bumubusina ang sasakyan na iyon ngunit dahil magaling siya sa Science ay ginamit niya ang acceleration, speed, gravity at noise level noong busina na iyon at napagtanto niyang sa tapat ng bahay niya nanggagaling ang ingay na iyon.
At dahil nakakainis na para kay Maria ang ingay na iyon ay lumabas siya upang tignan at tanungin ang nagmamay-ari ng ingay na iyon kung anong problema niya sa mundo.
Pero tila nawala ang gagawin niya ng makita si Francis sa loob ng sasakyan na suspect sa ingay. Nakangiti ito habang nakapatong ang kaliwang braso nito sa nakabukas na bintana ng kotse.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Dla nastolatkówNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...