CHAPTER THIRTEEN:
Author’s Note: Nais kong pasalamatan ang mga nagbabasa ng nobelang ito. Mahal ko kayo. Dedicated ito kay KUrbano. Dahil siya si Katrina at mahilig siya sa anime ito ang gift ko sa kanya :))
Pasensya sa na at medyo minadali ko itong chapter na ito. Hihihi! Ang hirap palang mawalan ng glucose sa utak, tatamarin ka tapos mawawalan ka ng gana. Ilang chocolate pa ang pinapak ko dito para lang makapagsulat. Hahahaha!
Napanganga nalang siya at nagpapalit palit ng tingin sa matanda at sa lalaki. Hanggang sa nais na niyang umalis sa opisina dahil sa nakita. Ngunit huli na, nakita na siya ni Mr.Chang at tinawag siya nito.
“Miss Aldee, buti nandito ka!”.
Magiliw na tono ni Mr. Chang na unang besis niyang narinig ang tonong iyon sa matanda. Unti-unti niyang inikot 120 degree ang kanyang katawan hanggang sa magtama ulit ang mata ng binatang naroon. Kalmado ngunit parang masaya ito dahil nakita siya.
“I just want to tell you that Mr. Sibayan is one of you’re temporary teacher for this month. Isa din siyang President ng isang sikat na Publication Company sa bansa natin.” Ipinakilala at tinuro ni Mr. Chang ang tinutukoy nito, si Francis.
Ngumiti lang ng maiksi si Maria, pagpapakita ng hindi siya interesado dito. At matapos noon ay nagsalita na siya at sinabi ang nais niyang sabihin kong bakit siya naroon.
“Ah, tatanungin ko po sana kong pwede na akong magsimula ng mas maaga sa huling task ko sa service ngayon?”. Without emotion niyang binitawan ang mga tanong na iyon. Nagulat naman si Mr. Chang sa pag-iiba ng topic ni Maria at di pagbibigay ng interes sa nakaraang nasabi ng direktor. And that time, Mr. Chang feel something between Francis and Maria.
Tumikham siya para ikondisyon ang sarili sa tanong ni Maria. “Since may sakit si Ivan ngayon at tumawag siya na Monday na siya makakabalik it’s okay for me na agahan mo ng simulan ang Community service, but are you sure na okay lang sa’yo na mag-isa kang magtratrabaho ngayon?”
Kahit na ganoon ka-istrikto si Mr. Chang bumabakas parin ang pag-aalala sa dalaga. Ngayong mahirap ang huling task na ibibigay dito.
“Ah, okay lang po.” Mahina niyang saad habang may halong kalungkutan sa kanyang boses. Malungkot siya, hindi dahil sa mag-isa siyang gagalaw ngayon. Malungkot siya dahil pakiramdam niya ay isa siyang puwang sa mundo na walang silbi, dahil wala sa tabi niya si Ivan.
Wala sa tabi niya si Ivan? Ganoon na ba talaga siya nahihibang? Ilang araw palang silang nagkikita, nagkakakilala, at nag-uusap. Tapos ‘yon nag sumagi sa kukute niya. Ni hindi pa nga niya alam ang favorite color, foods, animal, and who is your first crush ni Ivan tapos sinasabi niyang isang malaking walang kwenta ang sarili niya kapag wala si Ivan sa tabi niya?
Siguro nga. Pagkatapos ng gabing ‘yon para siyang drug addict na hibang, lutang, at naaadik. Naadik sa pamilyar na sa kanyang amoy ni Ivan, nahihibang na siya sa bawat galaw nito na nagpapalutang sa kanya. She don’t know but her feelings are asking for clarification.
Yes, she admit that she is not a secretive woman. She is a straight-forward, brave, and bold. Kaya minsan nahihirapan din siyang magpanggap na hindi set-up lahat ng ginagawa niya kay Ivan. At dumagdag pa sa kanya ang nakakatakot na feeling na ngayon ay kumikitil sa payapa niyang puso.
Pagkatapos niyang masabi ang dapat niyang masabi ay nag-paalam na siya kay Mr. Chang. Kay Mr. Chang lang, at parang isang hangin lang si Francis dahil hindi man lang niya pinansin ito.
Tuloy tuloy lang siyang naglakad palabas ng haven ni Mr. Chang na dala-dala ang mabigat na lungkot, mga sampung kilo ang bigat. Tamlay na tamlay siyang habang nag-iisip ng bigla siyang napatigil sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Fiksi RemajaNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...