Chapter Nineteen:
~*~*~
DAHAN-DAHAN na inilagay ni Tine ang kanyang mga palad sa bunganga nito habang hindi mawari ang mga salitang narinig kay Maria. Lumaki ang mga mata niya, naging annoying ang mukha niya hanggang sa hindi na natuwa si Maria sa nakikita sa kaibigan kaya binatukan niya ito.
“HOY! Iyang facial expression mo hindi naayon sa lugar. Kahiya ito.”
At doon natauhan si Tine, doon siya nagkaroon ng pagkakataon para usisahin ang totoong nangyari kay Maria between Ivan. Inalog-alog pa niya ang dalaga hanggang sa pinigilan ni Maria ang nagbabanta nitong kabaliwan.
“Tumigil ka, para maging kalmado ka sa buhay halika na muna sa canteen ililibre kita ng agahan. Tutal mamayang alas diyes pa naman ang klase natin.”
At sinangayunan naman iyon ni Tine pagdating kasi sa libre handa niyang ialay ang buo niyang pagkatao para lang sa pagkain at para sa libre.
“Sure! Deal! Madali lang akong makausap kapag mga ganyang bagay.” At doon nagsimula na nilang tinahak ang daanan papuntang canteen. Ito ang pinakagusto ng dalawang ito, hindi lang sila kundi pati rin ang mga Science Department, Engineering Department at Language Department na naninirahan sa building na iyon. Bukod kasi sa University Canteen na taglay ng ekswelahang iyon ay may exclusive ding canteen ang building nila Maria. Nasa loob ito at hindi na kailangan pang lumayo ng mga taga-roon. Exclusive lang din ito sa mga Science, Engineering at Language Department na umuukopa sa building na iyon.
Kaya maswerte sila kay Director Chang, dahil hindi sa adhikain ng instik na ito hindi sila ganoon kaswerte.
At speaking of swerte ay naaambunan ngayon ng kaswertehan si Tine dahil sa kasiyahan ni Maria. Hindi niya maipagkait na natutuwa siya sa kanyang kaibigan dahil sa kasiyahang nararanasan nito. Hindi niya rin ma-deny na nagtagumpay siya sa kanyang misyon.
Ang pa-ibigin si Maria.
Iyon lang naman talaga ang purpose niya kaya sinabi niya kay Maria na kailangan nitong umibig. Hindi dahil para sa nobela nito kundi para sa sarili. She know that Maria is knowledgable enough in everything except for love.
Kaya iyon ang nais niyang maranasan ng dalaga. Iyon ang nararanasan ngayon ng dalaga.
“Kahit na super denial niyang tao okay lang. Nakikita ko naman ang soft bones niya. I mean iyong kahinaan niya sa akin. HAHAHA!” Sa bawat kwento ni Maria ng mga nangyari sa kanila ni Ivan at sa bawat nakakakilig na parte ng katawan niya hindi niya mapigilang lahukan ito ng napakalakas na tawa na nagiging dahilan na rin ng eksena nila sa canteen.
Nakarating na sila doon, nakaorder narin si Tine ng makakain nila. Nagkwekwento na rin si Maria ng mga nangyari sa kanila ng binata at sa bawat kwento nito hindi naman mapigilan ni Tine ang maging masaya.
“Haynaku. Iba na talaga ang pag-ibig no. Gagawin kang masaya. Ilalabas ka sa malungkot at nangungulila mong mundo. Pag-ibig.” Kumento ni Tine habang hinihigop ang Buko Shake na binili niya na galing sa bulsa ni Maria ang pinangbili niya.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Novela JuvenilNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...