Chapter Twenty Six
Author's Note:
Gustong gusto ko na talaga ito wakasan pero iniisip ko pa kung ano ang magandang ending. Nakikipag-away pa ako sa konsensya ko. Ewan. Hahaha. Sana may nagbabasa pa nito.At higit sa lahat hindi ko alam kong papaano ko wawakasan ang kwentong ito.
~*~*~*~
Nagsimula na ang pinaka-aabangan ng lahat. Ang pagsisimula ng palarong hinihintay ng bawat student leader. Kanya-kanyang istratehiya ang pinakakita ng bawat grupo. At hindi sanay si Maria sa ganoong pagplaplano ng estrategy.
Buti na lang tinulungan siya ng ilang kasamahan niya kahit na pinangdududahan parin siya sa kanyang kakayahan dahil babae ito. At umaasa siya na kahit ganoon ang kanilang turing sa isa't isa ay maipapanalo pa rin nila ang laban.
"Maghiwa-hiwalay tayo. By partner para madaling matapos ang laro." Suggest ng isang kasama ni Maria na nagngangalang Anthony.
"Tama siya. Siguro mas maganda iyon para mas madali nating mahanap kong saan nakalagay ang golden flag. Pero dapat mabilis din tayo para habulin ang kasamahan natin. Tandaan hintayan ang peg dito." Saad naman ni Maria.
Nakinig naman ang ka-grupo niya. At ilang minuto ay narinig nila ang pagputok ng baril hudyat na umpisa na nang laban.
Nagsikalatan lahat ng ka-team ni Maria at tinahak ang iba't ibang obstacles na naghihintay sa kanila. Natanggap agad nila ang unang sulat na kung saan nakalagay doon ang isang nakakabasag-bungong bugtong na siyang sasagutin nila para umusad sa susunod na round.
Dahil magubat at matarik ang daan, si Alex na kasama ni Maria ay sinisiguradong hindi niya mapapabayaan ang kanilang prinsesa.
"Sabihin mo lang kong napapagod ka na at bubuhatin na kita." Pagbibirong banat ni Alex. Napangiti lang naman si Maria.
"Kaya ko pa, bilisan na lang natin."
Binagtas nila ang daan. Gamit ang gps ng bawat isa ay makikita nila kung saan na ang mga kasama nito.
Matagumpay naman nilang nakuha ang next land challange. Gaya ng rules na dapat hintayin ang mga ibang members ng grupo ay naghintayan sina Maria sa base ng challenge na 'yon.
Mabilis ang race. Sina Maria ang unang nakausad, samantalang nagmumurahan na iyong ka-grupo ni Storm dahil puro girls ang kasama nito. Samantalang kina Ivan naman ay walang paki-alaman.
Kung unity ang pinag-uusapan nakila Maria 'yon. Nagkakaisa at nagtutulungan despite of diversity, Pero hindi maiwasang mabawasan ang grupo nila. May ilang nahulog sa pain, merong ilang failed sa challenge. Ganoon rin sa ibang group.
"Para sa team bagyo, dalawa na lang ang natitira. Team Ivanatics tatlo at para sa Team MariyangPagibig tatlo rin."
Magdadapit hapon na ng narinig nila ang mabulahaw na announcement na 'yon. Rinig na rinig iyon sa buong kagubatan. Medyo kinabahan na rin si Maria dahil pabawas na sila ng pabawas. Dalawang obstacles na lang ang lalagpasan nila at sila na ang matuturing na Champion.
"Dalawa na ang nangunguna sa atin papunta sa last stage." Saad ni Maria habang tumitingin sa GPS kung saan nakita niya ang nagbliblink na pink circle.
"MARIA‼" Nagulat naman siya ng biglang sumigaw si Alex na kasama niya. Doon na lang niya naramdaman ang malakas na pagtulak sa kanya ng binata. Sa gulat unconcious niyang nabitawan nag GPS device na hawak niya. Nagslide ito papalayo sa dalaga. Sumigaw ulit si Alex at doon na lang nalaman ni Maria na nakuha na si Alex ng pain.
BINABASA MO ANG
The Writer's Love Story
Teen FictionNais makatungtong ni Maria Venus ang mga nobela niya sa timmus publication at nais niyang maging isang sikat na manunulat. Ngunit tila napakahirap iyon sa kanya dahilan narin na ilang besis ng ni-reject ang mga gawa niya. Ngunit hindi parin siya sum...