• Chapter Twenty Nine •

26 1 0
                                    

Chapter 29

MAKULIMLIM ng lumabas si Maria sa supermarket. After niyang tumunggo sa Timmus ay dumiretso siya sa pinakamalapit na grocery store para bumili ng iluluto nila ni Ivan para sa dinner. Napag-isip isip kasi nilan dalawa na mas maganda ang dinner date kong sa apartment na lang sila at sila ang maluluto ng pagkain.

Sumakay na siya ng taxi alam niyang naghihintay na si Ivan sa labas ng apartment niya kaya nagmadali siya. Pagkarating doon tama ang hinala niya, nakaupo ito sa bench habang nakasaksak ang earphones nito sa tenga. agd niya itong nilapitan at nagpapansin.

“Yohooo.” At napansin siya agad ni Ivan. Ivan smile a bit. Hindi naman kasi sanay ang binata na ngumiti ng sobra. Kaya tumayo na lang ito.

“Why so tagal?” Conyong tanong ni Ivan. Napaangat naman ng kilay si Maria.

“Natagalan lang ako, naging conyo ka na. Lika na nga.” Sabay hawak sa braso ni Ivan at sabay silang pumasok sa apartment ni Maria.

Ilang araw na ang nakakalipas. Ginagampanan naman ng maayos ng dalawa ang resposibilidad nila bilang isang mag-irog. Si Maria, hindi pa rin nakakalimutang pasayahin si Ivan. Araw-araw parang isang mundo na ang turing niya sa binata. Ganoon din naman si Ivan, pero hindi niya ginagawang mundo si Maria, kundi universe.

Unang pagkakataon lang na umibig si Maria. At unang pagkakataon ding magtiwala si Ivan. Pinagkasundo sila ng tadhana, kaya ganoon na lamang nila alagaan ang isa’t isa. Alam nilang bago pa lang sa kanila ang pumasok sa relasyon. Pero naniniwala at nagtitiwala silang ano mang pagsubok ang dumating sa kanilang dalawa haharapin nila iyon ng buong puso.

“Anong iluluto mo?” Tanong ni Ivan habang nakatingin lamang sa hinihiwang carrots ni Maria.

“Menudo.” Nakangiti lang na sagot ni Maria. Sa hindi malamang dahilan biglang nabago ang kaniyang mood. Gusto niyang magdrama. Naisip niya kasi kanina habang nagliligpit sila ng mesa para doon ilatag ang napabili ay ang mabilis na pangyayari sa buhay niya.

Napakabilis. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng kaba at takot sa dibdib. Siguro, dahil iyon sa napakabilis na oras. Hindi pa siya handa. Narito sa harapan niya ang taong mahal na mahal niya. Ang pinapangarap niya, ngunit wala sa harapan niya ang dahilan kong bakit. Bakit ang bilis ng oras, ang bilis ng ikot ng mundo. At sa sobrang bilis natatakot siya na bigla na lang mawala ang lahat ng bagay na nasa harapan niya. Takot siya.

“Maria.” Isang boses ang gumising sa kanyang pag-aalala. Nakatingin na pala sa kanya si Ivan. Ngumiti siya at tumingin din sa binata.

Kung matatakot agad ako habang iniisip ang pwedeng mangyari, hindi ako magiging masaya. Saad niya sa sarili habang sinusuri ng kanyang mga mata ang binatang nakatingin sa kanya.

“Hmm. bakit?”

“Masyado kang tahimik. Hindi ako sanay na tahimik ka.”

Napahinto siya at sinariwa sa kukute lahat ng sinabi ng binata. Tama, maingay siyan tao so anong karapatan niya para manahimik.

“Eh, kasi.. kailangan kong mag-con-” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil bigla ng tumabi sa kanya si Ivan at may hawak na itong kutsilyo. Kumuha na rin siya ng patatas na nasa bowl at sinimulang balatan ito.

And there Maria goes. Heto na naman ang pagtibok ng puso niya. Ang hindi maintindihang pagtibok. Seeing Ivan’s aura while doing something different na hindi mo aakalaing gagawin niya ay isang kakaiba at amazing para kay Maria.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon