• Chapter Seven •

93 4 0
                                    

Chapter SEVEN:

Inaantok at matamlay na nilagay ni Mariaa ng isang bote ng gatas na may nakalagay na sticky note na “masama sa katawan ang laging nakasimangot kaya ito ang gatas. –Maria V.”. She put it infront of the door and pressed the doorbell button. Agad naman siyang umalis pagkatapos pindutin ito at hindi na hinintay pa si Ivan na buksan ang pinto.

Umalis na agad siya at nagtunggo sa school. At kahit halos wala na rin siyang lakas para maging masigla. Ginamit na niya ang elevator upang makarating siya sa fourth floor kong saan naka-locate ang kanyang room, at kahit nagpipigil siya ng hininga noong nasa loob siya ng elevator. Pakiramdam niya ay para siyang sumakay sa isang nakakamatay na rides at pinabanned ng gobyerno dahil ilang tao ang nawakasan ng buhay. Nakahinga nalang siya ng maluwag ng tumunog ang bell ng nasabing elevator hudyat na nasa fourth floor na siya.

Kinondesyon niya muna ang sarili niya bago tinahak ang daan patungo sa kanyang room. And still, ganoon parin ang pakiramdam niya. Matamlay, tila pagod at masama ang pakiramdam.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay hinayaan niya ang sariling hindi matulog kagabi. She needs to finished her first three novels upang may mapakita na siya kay Tine. And even natutulog naman siya noon ng halos tatlong oras lang ngayon lang nagreklamo ang kanyang katawan siguro ay dahil sa pagod na yumakap sa kanya kahapon.

Pagpasok niya sa klassroom as usual wala pang instructor. Panigurado ay nakikipagbuno nanaman ang matanda niyang instructor sa hagdan paakyat sa room nila. Ganoon ka-weird ang instructor niyang iyon. Magrereklamo na nakakapagod umakyat gamit ang hagdan kahit may elevator naman.

Dinako niya ang kanyang paningin sa mga kaklaseng nagkanya kanya nanaman ang buhay. Nagkibit-balikat na lang siya at dumako sa kanyang upuan. Walang maingay. Indikasyon na wala pa ang kanyang kaibigan kaya naisip niyang ihilig muna ang kanyang ulo sa desk habang wala pa ang professor nitong busy na nakikipag-tango sa mga palapag.

Kaya lang unfortunately, pagyuko niya ng kanyang ulo at ang paglapat ng mga kamay ni Tine. Napaangat tuloy ito ng tingin.

“Hep hep! Kaaga aga matutulog ka na naman. Teka, you look pale? Anyare!?”

Halos gustong magprotesta ni Tine ng makitang matamlay ang kaibigan at tila nadaanan ng ilang riot.

“Tinapos ko kasi iyong  first 3 chapters ng novel ko kagabi kaya kulang ako sa tulog.”

“Aynaku! Next time ‘wag mo ng uulitin iyan! Matulog ka ayon sa sapat na oras. Kumain ka ng mga pagkaing nasa food pyramid at mag-exercise ka habang sinasabayan ang beat ng what does the fox say para maging kasing ganda mo si Julia Baretto at ng mabighani na sayo si Ivan.”

Sumang-ayon nalang si Maria sa sinabi ng kaibigan. Wala narin naman siyang sasabihin dahil pati bunganga niya ay bumigay na sa sobrang sama ng nararamdaman niya. Ikakain nalang siguro niya ito pambawi ng lakas.

Hindi na nakaapela si Tine dahil dumating na ang professor nila sa literary criticism. Namayani ang boses ng teacher nilang mapanglait. Kailangan daw iyon dahil iyon pre-requisite sa subject nila minsain inisip ni Maria na hindi criticism ang gustong ipahatid ng gurong iyon kundi rally. Napabusangot nalang siya, gusto niyang humilig sa desk niya kaya lang ayaw naman niyang mapasama sa listahan ng gustong laitin ng guro niya ngayon. Kaya tiniis niya ang antok, mahinang katawan at sama ng loob dahil sa guro niyang kung anu-ano na naman ang sinasabi.

Pagkatapos ng makabagbag damdamin nilang klase ay pumunta na sila ng kaibigan niya sa canteen. It’s lamon and meeting time. Pero ngayon lang yata hindi nakakain ng maayos si Maria isa sa mga dahilan ay hindi maayos ang kanyang panlasa. Parang namamanhid ang kanyang dila. Nalulungkot siya at gustong magprotesta dahil sa pakiramdam, ayaw niyang mangayayat dahil sa sitwasyon niya ngayon pero wala narin siyang magawa. Kinuha nalang niya ang manuscript sa bag niya saka binigay sa kaibigang busy na hinuhulaan kong anong ingredients ng kinakain nila ngayon.

The Writer's  Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon