Ang Pagliligtas

50 4 0
                                    

Chapter 4

Pumasok si tsang sa bahay at ginising si tsong upang kumain...

malambing si tsang kay tsong bago sila lumabas ay nagkagulo muna sila sa loob ng kwarto hahaha...

Aztig parin ang katawan ni tsong Mando.. sa edad na kwarenta ay matikas parin ang pangangatawan.. hindi niya kasi pinababayaan ang sarili, hindi s'ya pala inom ng alak tulad ng tatay..

kaya kahit may edad na si tsong malakas parin ang pangangatawan.... hindi s'ya maiwan-iwan ng tsang kahit na hindi niya ito maanakan.. mahal na mahal din naman kasi ni tsang ang tsong..

Habang ako'y nagsasampay sa labas naririnig ko ang usapan nila sa kusina...

"May naikwento ba sa'yo 'yang bata Vic?"

Tanong ni tsong..

"Wala naman, bakit ano ba 'yon?" Sagot ni tsang..

"Kahapon kasi habang hinahanap ko si bato..

doon ko s'ya nakita sa talahiban, at 'di ko mawari eh, para bang may kausap siya..

ngunit 'di ko naman nakikita" Pagkukwento ni tsong..

"Usap-usapan nga dito ang katawan ng batang nalunod nawawala raw..

bago pa nila dalhin sa punerarya ay nawala na..

'di na nila mahanap ang bangkay..

Sabi-sabi rin nila kinuha raw ng engkanto o nang aswang.." Pagkukwento ni tsang..

"Tonio ba ang pangalan ng batang nalunod Vic?"

Tanong ni tsong.

"Oo Tonio nga.. at barkada ni Bato.." Sagot ni tsang..

"Alam mo bang may nabiktima nanaman ang aswang na 'yan sa kabilang baryo? isang Bata at isang buntis... kawawa nga eh.. wakwak ang kanilang tiyan.."

Patuloy na kwento ni tsang..

"Talaga?! eh kumusta naman kayo ni Bato dito kagabi?"

Tanong ni tsong..

"Ayos naman kami Man.. isinara namin ng mabuti ang pinto't bintana..

tabi lang kami matulog para mabantayan ko s'ya."

Tugon ni tsang...

Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa habang seryosong nagkukwentuhan...

Sa labas..

habang patapos na akong magsampay..

may bumulong sa'kin..

"Kakz may malulunod.."

Natigilan ako sa bulong na 'yon...

"Hah! Sino?"

Mahina kong tanong..

Ngunit....

naalala ko, naligo nga pala sina Bebot, Benjo at Toper sa ilog nong hapon na 'yon....

sila ang mga magkakabarkadang makukulit at di naniniwala sa sinabi ko..

Agad akong lumapit kay tsong Mando..

"Tsong may malulunod daw po sa ilog, puntahan po natin!"

Taranta kong sabi.

"Ha!? sinong may sabi Bato?"

Tanong ni tsang Vicky.

Saglit na napaisip si tsong..

bigla itong tumayo at

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon