Chapter 20
"Bato!!!.... woi!! Bato!!!... Gising!!!"
Isang malakas na sampal at pag yugyog sa katawan ang bigla kong naramdaman na siyang gumising sa matinding bangungot na 'yon...
"Huh... tsang!..
Bakit po ano pong nangyari?"
Gulat na tanong ko.
"Binabangungot ka Bato!.."
Tugon ni tsang Vicky..
Bigla kong kinapa ang aking katawan at ulo kung may tama ba ito ng bala ng baril....
Hinagilap ko rin ang Batong buhay sa aking katawan at naandoon parin iyon..
'Hai salamat...
akala ko totoo na.. huh..
Parang totoo talaga ang nangyari..
nakakakilabot'
Bulong ng aking isip.
Hingal ako na parang galing sa malayong pagtakbo...
Basang-basa naman ako ng pawis na akala moy kagagaling palang maligo sa batis.
"Bato.. ano bang napanaginipan mo?..
Ungol ka ng ungol eh ...
Tsaka sigaw ka ng sigaw?
Na animoy mayron kang hinahabol?."
Usisa ni tsang..
"Ahm.. wala po tsang...
mukhang napakasamang panaginip..
mistulang isang bangungot na.."
Tugon ko.
Napailing nalang si tsang Vicky.
ngunit mukhang hindi lang iyon basta panaginip..
bagkos isa itong pangitain..
marami akong nalaman at naintindihan sa panaginip na 'yon.
Tumayo ako at pumunta sa kusina upang uminum..
Napansin kong may kakaiba sa labas ng bahay..
sumilip ako sa bintana ngunit
nagitla ako sa nakita..
ang Diwata ng mga Batong Buhay nakatayo at nakangiti sa akin..
May isang kataga siyang binitiwan..
"Ingatan mo 'yan Batong Buhay.."
Ngumiti ako at tumango.
'Salamat po mahal na Diwata..'
Bulong ko.
"Ui..! Bato!..
anong ginagawa mo diyan?.. Halikana at mahiga..
madilim at masyado pang maaga.."
Sigaw ni Tsang.
"Wala po tsang...
sige po babalik na po.."
Bumalik ako sa pagkakahiga ngunit 'di na ako dalawin ng antok..
Ngunit sa ilang sandali pa na pagiisip..
nakaidlip din ako..
Kinaumagahan....
Bigla akong napabalikwas..
"Huh.. ...
grabe umaga na pala huli nanaman ako nito.."
Sabay takbo sa banyo upang maligo.. Nandon si tsang sa abuhan at nag luluto ng agahan..
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...